Kodigo Ko sa Palad Ko |
Sa bawat precint - priority ang mga buntis at mga senior citizen. Kung bunti ka at senior citizen na hindi mo na kailangan pang pumila, papapasukin ka agad sa loob ng precint kung saan po kayo boboto.
Bago pumila, tingnan nyo muna ang mga listahan na nakapaskil sa wall ng building or room kung saan gagawin ang botohan - to check kung pangalan ninyo ay nakasama sa listahan. Kunin ninyo ang precint number at kung anong numero nakalista ang pangalan mo - dahil yun ang unang ityatanong sa iyo.
This morning pumila ako at around 9AM - at nakapasok ako sa loob at around 10:45AM at natapos akong bomoto at around 10:55AM. Natuwa ako dahil nang lumabas na ang resibo, lahat po ng aking ibinoto ay nakalista: 12 senatorial candidates, 1 congressman, gobernador, vice gobernador, 2 Board Members, Mayor, vice mayor, 8 councilors at 3 party-lists. Ang listahan ng party-lists ay nasa likod ng balota. Ibig sabihin nito nasa good condition ang machine.
Dahil nandito ako sa Tanza, Cavite - eko-congratulate ko na ang TeamYap at TeamRemulla for the win also my chosen senatorial candidates and party-lists. I voted straight sa mga kandidato magmula kay Congressman Boying Remulla, Jonvic Remulla for governor, Jolo Ramon Revilla for vice governor. Board members: Angelito Langit at Ping Remulla. Yuri Pacumio for mayor, Munding Del Rosario for vice mayor at 8 councilors: #3, #4, #7, #8, #9, #10, #14 and #15.
Para doon sa mga senador at party-lists: Sila ang aking napusuan at dama ko na magiging kaakibat sila ni Pangulong Duterte sa lahat ng kanyang adhikain. Ang kanilang mga numero sa balota ay nakasulat sa palad ko: #21, #24, #32, #34, #46, #60, #7, #51, #16, #29, #27 at #19. Ang napusuan kong party-lists ay sila: #101, #157 at #181.
Dahilan kung bakit ko po napusuan sila Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile - at offically kong ibinoto sila this Midterm elections ay ito: Silang tatlo ay biktima ng administrasyon ni Noynoy Aquino noon. Sa 24 senators - bakit sila lang ang nakasuhan? Yes. Nakulong sila - pero nakalabas sila dahil kulang ng ibidensya.
Isang bagay ang napuna ko - ang botohan ngayon May 13, 2019 - nakita ko ang sobrang pagtitipid ng Comelec compared sa last 2016 elections. Ngayon 2019 elections ang limang precints ay pinag-isa nalang sa isang kwarto. Ang limang precints ay isang machine nalang ang ginamit. Samantala noong 2016 elections - itong limang precints 59A, 59B, 59C, 59D at 59E ay maykanya-kanyang room at bawat precint ay may sariling vcm machine.
No comments:
Post a Comment