loading...

Friday, May 31, 2019

President Duterte to Comelec: Why are you insisting on Smartmatic? It is no longer acceptable to the people

Duterte to Comelec: Palitan na ang Smartmatic
Ayon sa reports ng PTV (People's Television) May 30, 2019 - sa harap ng Filipino Community sa Japan, hindi na napigilan ang saloobin ni Pangulong Duterte sa iba't ibang pahayag na kanyang napapakinggan mula sa mga taong nakaranas ng kapalpakan ng Smartmatic sa tuwing may eleksyon.

Mula sa Tokyo, Japan isiniwalat ni Daniel Manalastas (reporter ng PTV) na ayon kay Pangulong Duterte, kwesyonable raw ang kridibilidad ng Smartmatic dahil sa mga paratang na dayaan at mga aberiya sa nakaraang halalan. Kaya naman iminungkahi ni Pangulong Duterte sa Comelec na palitan na ang Smartmatic.

President Duterte to Comelec, I quote: “You have 3 years, katatapos lang ng eleksyon. Palitan na ninyo because it is no longer acceptable to the people, to the congressmen, or you — anything that promotes cheating. Why are you insisting on Smartmatic?”

May 30, 2019 Duterte sa Harap ng Filipino Community in Japan

Maniwala man tayo O hindi, lahat ng mga gustong baguhin ni Pangulong Duterte lahat po ay may dahilan O may basihan. Kung ating babalikan ang dahilan kung bakit kanyang ipina-rehab ang Boracay dahil sa sobrang dumi ng tubig-dagat doon na pwedeng magdulot ng iba't ibang sakit sa tao.

Ganun din po nang kanyang ipalinis ang Manila Bay dahil din sa puno na ng sari-saring dumi at nakakamatay na amoy mula sa mga basurang nagkakalat at dumi ng tao at hayop na lumamon sa dating malinis at kaaya-ayang tubig-dagat ng Manila Bay.

Minsan sumagi sa ating mga isipan na sana ang isunod na linisin ni Pangulong Duterte ay ang Comelec at Smartmatic dahil na rin sa paniniwala natin na ang Comelec at Smartmatic ay pinagmumulan ng malaking korapsyon. Ngayon heto na ang first move ng ating mahal na pangulo - kanyang pinayuhan ang Comelec na palitan na ang Smartmatic at maghanap ng bago na makakapagbigay ng serbisyo na walang aberya.

Sources of idea and other info:

Japan2019 Duterte, Pinayuhan Ang Comelec Na Palitan Na Ang Smartmatic
Duterte to Comelec: Dispose Smartmatic in The Next Automated Election
Pinag-utos Na ni Pangulong Duterte sa Comelec na Itapon Na ang Smartmatic

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!