loading...

Tuesday, May 21, 2019

Lumiit ang mundo ni dating Ombudsman Morales, turing sa kanya Security Threat ng bansang China

Ombudsman Morales Dumating sa Manila Airport Mula sa Pagkasipa sa HongKong Airport
Lumiit ang mundo ni dating Ombudsman Conchita C. Morales. Hindi siya welcome sa HongKong ngayon na kapit-bansa ng Pilipinas - na dinadayo ng milyon-milyong tao ng mundo. Bakit po nagka-ganun? Ano po ba ang ginawa niya para ituring siya na 'Security Threat' ng HongKong, China?

Para masagot ang mga tanong - mangyari lang po panoorin po ninyo ang video na mula sa State of the Nation ni Jessica Sojo sa ginawang interview kay dating Ombudsman Morales nang dumating siya sa Manila International Airport mula nang siya at ang kanyang pamilya ay isuka sa HongKong airport pabalik sa Pilipinas.


Ayon kay Ms. Jessica Sojo - ang pagharang ng Chinese Immigration ng HongKong kay Ms. Morales ay may koneksyon ito nang si dating Ombudsman Morales ay isa sa dalawa na nag file ng informal complaint sa ICC laban sa presidente ng China dahil sa mga aktibidad ng China sa South China Sea dahilan nang pagkasira di umano ng kalikasan at kabuhayan ng ating mga mangingisda.

Ang insidenteng nangyari kay dating Ombudsman Conchita Morales sa HongKong Airport ay nagbunga ng iba't ibang reactions mula sa mga netizen. Isa sa mga reactions mula kay Ginoong Vicente, I quote,"Kinasuhan mo ang may-ari ng bahay, tapos ngayon ay papasok ka at makikikain ka - kung ako ang may-ari ng bahay ay talagang sisipain kita palabas!"

Sige kabayan, pulsuhan muna natin itong pagkasipa ni dating Ombudsman Morales sa HongKong - at pansamantala muna tayong mag break sa mga issues na may kinalaman sa halalan 2019. Kayo ba ay pabor O hindi pabor sa pagharang ng Chinese Immigration ng HongKong kay dating Ombudsman Conchita C. Morales?

Source of idea and other info: Jessica Sojo on Facebook Live Reports  

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!