Balimbing (Star Fruits) Photo Credits: Pixabay
Sa darating na MidTerm Elections 2019 - ilan kaya sa mga kandidatong pagka Senador at pagka Kongresman at mga kandidato sa probinsya, city at municipal ang ma-mamangka sa dalawang ilog? Mga kababayan ang mga tulad nila na sa tuwing may eleksyon ay mahilig mamangka sa dalawang ilog ay hindi nararapat ng ating sagradong mga boto. Sila ang mga politiko na basag at basa ang prinsipyo. Ang tawag sa kanila ay mga -
Balimbing (Ni Paul Odien Pruel)
Tila yata hitik na hitik sa bunga
Ang halaman kong nananariwa sa ganda
Bunga nito ay naghihintay na pitasin sila...
Pero hinayhinay sa balimbing kabayan
Huwag sanayin yaring kagustuhan
Para hindi ka mapulaan...
Ito ay hindi magandang kaugalian
Dati busilak kuno sa katapatan
Ngayon kabaligtaran ng katotohanan...
Gulong-gulo na ako kabayan
Sino ang dapat pakinggan
Ang balimbing O ang iniwan?
Dati magkahawak kamay
Banaag ang saya sa kanilang kilay
Pero saglit lang nagka hiwahiwalay...
Hay Naku! Politika
Ma aksyon na, ma drapa pa
Sa Pinas lang talaga!
What inspired me to write this poem, it was a Friday in 2005 - kasagsagan ng rally at demonstrations sa Ayala Avenue at Edsa, Philippines. Libo-libong mga kapatid nating mga Pinoy, lahat sila ay nananawagan na pababain ang Pangulo ng Pilipinas sa Malacanang, habang ang mga reporters ng TV, Radio stations ay naka-antabay sa maaaring maganap sa araw na iyon.
Doon ko nakita ang isang senador malapit sa pangulo, siya ang kauna-unahang umiwan sa pangulo, dagdag pa ang ibang mga gabinete ng pangulo. Ang unang sumagi sa isip ko ay bakit? Dati silang lahat ay magkahawak kamay habang isinisigaw na dapat magkaisa tayo, huwag iwanan ang pangulo. Kaya po nasulat ko itong tula. If ever masama ang dating ng tulang ito para sa inyo, I am asking your utmost apology. Iyon talaga ang kinalabasan, balimbing! (Hypocrites, turncoats).
Ayon kay Baebee Lou Villarin - Ang salitang BALIMBING ay may ibat-ibang kahulugan tulad nalang kung sinasabihan mo ang isang tao na balimbing na ang ibig sabihin ay “doble-kara”. Ang balimbing ay isang uri ng punong-kahoy na may hugis tatsulok ang limang gilid, tinatawag din itong AVERRHOA CARAMBOLA na maaaring gamitin bilang isang sangkap sa iba't-ibang putahe sa pagluluto, kagaya na lamang sa pagluto ng paksiw.
Dahil sa anyo nito na may ilang gilid, ang prutas ng balimbing ay inihalintulad sa mga baligtaring-pulitiko at pinunong-bayan na madalas magpalit ng kinaanibang partido ayon sa inaakala nilang makukuhang-bayan na madalas dito. Ito ay karaniwang inihalintulad sa mga politiko na tao na hindi tapat sa kanilang panig dahil sa ang prutas nito ay maraming iba't-ibang mukha.
Ang ganitong uri ng mga politiko ay nakagawian nang bansagan na balimbing. Sa ibang lugar ang balimbing ay tinatawag din bilimbi, bimbli, belimbing, blimbling, biling at bimbiri. Talagang kilala sa buong mundo ang balimbing ma salita man o prutas, isa ang pilipinas sa pinakamaraming balimbing na tumutubo sa ating lupain at sa ating Kongreso na napakaraming balimbing.
No comments:
Post a Comment