Video Credits: Ang Dating Daan Bible Study
Is it an excuse na kaya tayo 'Gumagawa Ng Kasalanan' dahil tayo ay tao lamang? At ang pananalitang ginagamit natin 'Tayo ay Tao Lamang' ay ating pinababa ang ating pagiging tao dahil dinagdagan pa natin ng salitang 'Lamang'. Minaliit natin ang Diyos na Siyang gumawa sa atin. Ibig ba nating sabihin dahil tayo ay tao lamang ay wala tayong lakas na magpigil na gumawa ng kasalanan?
Tayong lahat ay naniniwala na may kanya-kanya tayong ginawang mabuti. Pero tayo ba ay nakatitiyak na ang mabubuti nating gawa ay aprobado lahat sa mata ng Diyos? At nakatitiyak ba tayo na maliligtas sa pagdating ng araw ng paghuhukom? Dahil sa rason na gumawa tayo ng mga kabutihan dito sa lupa. Ang mabuti ba sa atin ay mabuti rin at kalugod-lugod sa Diyos? Ano ang mabuti sa Diyos?
Aaminin ko po na ako ay wala pang sapat na kaalaman tungkol sa mga aral ng Diyos na nakasulat sa Biblia - ni hindi ko pa maliwangan ang aking nababasa sa Biblia - kaya naman minabuti kong mag-ukol ng panahon sa pakikinig sa mga Bible Expositions ni Bro. Eli Soriano, at salamat po sa Diyos dahil sa kanyang mataimtim na pangangaral - unti-unti kong nauunawaan ang hindi ko maarok na mga salita ng Diyos sa Banal na kasulatan.
Nang masumpungan ko ang bidyo mula sa YouTube - ang narinig ko mula kay Bro. Eli Soriano ay liwanag na sa tanang buhay ko ngayon ko lang nalaman - ni minsan hindi ko narinig sa relihiyong Katoliko na aking kinalakihan. Ngayon ko lang po nalaman na meron palang dalawang klase ng kasalanan na ginagawa ng tao habang siya ay nabubuhay sa mundo: Ang kasalanan na hindi 'Ikamamatay' o kasalanan na hindi sinasadya - na pwede idalangin para sa kapatawaran ng Diyos at kasalanan na 'Ikamamatay' - paggawa ng masama na may kasamang kasamaan - na hindi kailangan na idalangin dahil wala ng kapatawaran.
For more details - lalu na po sa katulad kong nagsisimula pa lamang magsuri - kung gugustuhin nyo lang naman panoorin ninyo ang bidyo kasama nitong artikulo - ang dami tayong matututuhan mula sa aral ng Biblia through Bro. Eli Soriano. Tulad ng: (1.) Dalawang klase ng kasalanan at ang kanilang paliwanag, (2.) Paraan para tayo maligtas, (3.) Paraan para hindi magkasala ang tao, (4.) Kailan itatakwil ng Diyos ang tao, (5.) Ang panlaban sa kasamaan, (6.) Ang mabuti sa Diyos etc. Lahat ng kasagutan at paliwanag ay mapapanood sa bidyo - all credits belong to Ang Dating Daan Bible Study ni Bro. Eli Soriano. Salamat po sa Diyos.
No comments:
Post a Comment