loading...

Sunday, June 2, 2019

Senator Francis Pangilinan: Nanggipit at Nilabag ng Duterte Government ang Omnibus Election Code

Kiko Pangilinan: Photo Credits Citizen Express Today
Hanggang ngayon hindi parin maka-move on si Senador Kiko Pangilinan sa pagka-talo ng Otso Diretso sa nakaraang halalan. Laman ng kanyang utak ay ang mariin niyang akusasyon na ang Duterte government ay "Nanggipit daw sa kanila at nilabag daw ang Omnibus Election Code" na naging sanhi ng pagkatalo ng kanyang pinagpupugayang walo para sa Senado.

Ang paghihinagpis ng kanyang kalooban, ang kirot na kanyang nararamdaman sa kalooblooban ng kanyang puso at ang pagkalito ng kanyang pag-iisip lahat yon ay mababanaag at mapipinta sa parang namamanas niyang mukha. Kung ating pagmamasdan hindi maikakaila sa atin na si Sen Kiko Pangilinan ay kulang na sa tulog - ang kanyang mga eye-bags ay manas narin kasama ang talukap ng kanyang mga mata. 
Kiko Pangilinan Tweets
Pati tuno ng kanyang pangangatuwiran ay hindi na angkop sa kanyang status bilang isa sa ating mga mambabatas. Isa siyang abogado at alam niya na kapag inakusahan ang isang tao, O isang institution O ang gobyerno ang nag-akusa ay may hawak na sapat na ebidensya laban sa inaakusahan. Ayon sa Citizen Express Today, I quote "Pinakilos ang buong makinarya ng makapangyarihan para siguruhing wala ni isa sa ating mga kandidato ang magkakamit ng poder sa Senado. Nagkaroon ng pagbabanta, pananakot, massive vote-buying, electioneering at iba pang mga paglabag sa Omnibus Election Code." Sa akin tama lamang na walang nanalo sa isa sa mga Otso Diretso candidates.

Hanggang ngayon hind parin maunawaan ni Senador Kiko Pangilinan at ng lahat na opposition na ang nakakaraming Filipino ngayon lalu na po yung mga tinawag nilang mga Bobo-tante na mahihirap at walang pinag-aralan ay nagising na at naging matalino na sa pagpili kung sino sa mga kandidato na kanilang pagtitiwalaan para sa kanilang kinabukasan at ng kanilang mga anak. Kung sa 2022 election, sasabak muli ang taga-oposisyon - ang payo ko sa kanila ay "samantalahin nilang makipagkasundo sa Duterte government sa nalalabing tatlong taon sa panunungkulan ni Pangulong Duterte - baka sakali pagdating ng 2022 - may mabola silang Filipino voters."

Source of idea and other info:

Senator Kiko Pangilinan: Nanggipit at Nilabag ng Duterte Government ang Omnibus Election Code
Senator Kiko Pangilinan Tweets

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!