loading...

Wednesday, June 26, 2019

Pamilya Marcos nakabalik na sa Palasyo ng Malacanang: Tiyak suntok sa Buwan ito sa Dilawan


Family Marcos on June 25, 2019, the day Imee Marcos took her oath of office as Senator in Malacanang with the other elected Senators (Photo credits belong to Facebook Uploader)
Napakagandang pagmasdan ang kompletong pamilya ng Marcos - sa muling pagsasama sa isa't isa. Mababanaag sa kanilang mga labi ang tamis ng kanilang mga ngiti. Punumpuno ng kulay at buhay. Mga mata nila'y nangungusap, nakaka-akit tingnan.

Tunay nga po ang buhay ay parang gulong - minsan nasa ilalim at minsan nama'y nasa ibabaw ang pag-ikot nito. Hindi biro sa pamilya Marcos ang higit tatlong dekada na sila ay iniladlad sa kahihiyan ng kalaban. Ngunit nanatili silang buo at taas noong hinarap ang sari-saring paghamak sa kanilang pagkatao.

Hindi nagbago ang kanilang pakikitungo sa kapwa. Mapagmahal, may malasakit sa ibang tao. Hindi sila nakitaan ng galit - ang namutawi sa kanilang mga puso ay pagpapakumbaba at pagpapatawad sa mga taong may inggit at galit sa puso.

Kompletong pamilya ng Marcos - kahit wala na ang dating pangulo na si Ferdinand Edralin Marcos, pero ang kanyang alaala ay nanatiling buhay nasa likod lang nila, nakangiti sa portrait, kasama ang dating First Lady Imelda R. Marcos, ang kanilang tatlong anak si Sen Imee, si VP Bongbong, si Irene at ang kanilang mga mapagmahal na mga apo.

Source of idea and other info: Oath Taking of Elected Senators 2019 in Malacanang

Tuesday, June 25, 2019

Ang pagkahuli kay Hatamad Muida Y Sabala suggests na ang Gobyerno ni Noynoy Aquino noon ay posible konektado sa Terorismo

Photos and other info Credit to PinoyTrend.Net
Ang pagkahuli kay Hatamad Muida Y Sabala suggests na ang Gobyerno ni Noynoy Aquino noon ay posible konektado sa Terorismo...base sa kanyang employment records na nagsimula sa 2012 panahon ni Noynoy Aquino hanggang sa araw na nahuli siya.

Mula sa report ng CIDG Region 9 - sa kapangyarihan ng Search Warrant and Arrest Warrant, si Ms. Hatamad Muida Y Sabala ay nahuli sa kanyang bahay sa Barangay San Rafael, Isabela City, Basilan with her are dangerous materials for making explosives, today June 25, 2019.

Sino si Hatamad Muida Y Sabala?

Siya ang Provincial Director ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Basilan. Siya ay asawa ng isa sa Sub-commanders ng Abu Sayaff na kilalang si Radzmir Janatul.

Employment Records ni Ms. Sabala

Ayun kay TESDA Secretary Sid Lapena, I quote: “For the information of the public, Hataman was hired as Supervising Technical Education and Skills Development (TESD) Specialist in July 2012 and was promoted as Director III in August 2013. She has been assigned in Basilan since then as Provincial Director.”

TESDA Director wife of Abu-Sayaff Commander

Seguro napaka-bobo na natin kung hindi natin maunawaan ang sitwasyon - sa loob ng maraming taon, bago pa man mahirang si Mayor Duterte na pangulo ng bansang ito - ang terorismo sa Mindanaw ay malakas at hindi nawawalan ng mga nakakamatay na mga explosive devices dahil mismo ang Direktor ng TESDA sa Basilan ay gumagawa nito - na asawa ng isa sa mga sub-commanders ng Abu-Sayaff.

The Government is Working 

Malaking pasasalamat natin na si Mayor Rodrigo Roa Duterte ang nahalal na pangulo ng Pilipinas noong 2016 elections. At magmula nang siya na ang pangulo natin, unti-unting nabubunyag ang mga kapalpakan at baho ng nakaraang administrasyon ni Noynoy Aquino.

At sa mga otoridad ng ating pamahalaan tulad ng CIDG, NBI, Kapulisan at Kasundaluhan at iba pa - under the Duterte's Administration lahat sila ay mga aktibo at nagtratrabaho sa kanilang sisumpaang mga tungkulin para ipatupad ang mga batas at hulihin ang mga kriminal.

Ito ay dapat ipagpasalamat ng lahat ng Filipino sa bansa at sa ibayong-karagatan, kasama na yun limang milyong KAPA members na galit kay Pangulong Duterte dahil sa pagpahinto sa KAPA Investment Scam.

My last cents

Nakakatakot malaman na ang TESDA O ang Technical Education and Skills Development Authority could become a training ground for making explosives devices para doon sa mga taong nagbabalak na pabagsakin ang kasalukuyang gobyerno.

Source of idea and other info: Pinoy Trend - Basilan TESDA director caught for possession of explosives

Monday, June 24, 2019

Para maibalik sa mga members ko ang kanilang donasyon - kukunin ko ang pera na naibigay ko na sa kanila para tabla, ayun kay Pastor Apolinario.

KAPA Pastor Joel Apolinario with Ted Failon Live @ DZMM
"Para maibalik sa mga members ko ang kanilang donasyon - kukunin ko ang pera na naibigay ko na sa kanila para tabla," ayun kay Pastor Apolinario nang siya ay ma-interview live ni Ted Failon sa DZMM around 8:30 AM today, June 24, 2019. 

Ayun pa rin sa kanya, "Ang problema - papaano ko pa makukuha ang mga perang naibigay ko na sa aking mga members kung ang mga perang yun ay nagamit na nila sa pagbili ng bahay, pagbili ng sasakyan, naibayad na nila sa tuition, sa pagpapagamot, pagbili ng medisina, pagkain at sa iba pang pinagkagastusan?"

Sa sinabi ni Pastor Joel Apolinario, sinundan ng tanong ni Ginoong Ted Failon na ganito: "So sa ngayon po, Pastor wala na pong maaasahan ang inyong mga members na blessings sa kanilang mga donasyon?"

Sagot ni Pastor Joel Apolinario: "Kung hindi po kami bibigyan ng pagkakataon na mag-operate muli yun aming Ministry, talagang sasabihin na natin na parang suntuk sa buwan na yun..."

Nang tanungin ni Ted Failon si Pastor kung siya ba ay nagtatago o in hiding ngayon, malinaw po na sinagot ni Pastor Joel Apolinario nang ganito: "Opo, Sir at hindi po natin yan maiwasan...at meron po tayong naga-advice na hindi mabuti na mailantad ako sa mga humahabol sa atin...eh kasi, hindi naman po na wala tayong kaligtasan doon sa naghahabol, pero naniniguro lang po..."

Para sa karagdagang info - better to watch the below live video interview ni Ginoong Ted Failon ng DZMM kay KAPA Pastor Joel Apolinario. 


Video Credits Belong to YouTube Uploader - Ting Research

Related Articles:


The Truth Hurts: Hindi na Maibabalik sa Kapa Members ang Pera ayon kay Pastor Joel Apolinario 

Nawala ang Respito sa Batas at kay Pangulong Duterte Dahil sa Salapi at Kasaganaang Dulot nito




Source of idea and other info: 

Pastor Apolinario on DZMM Radio with Ted Failon

Friday, June 21, 2019

The Truth Hurts: Hindi na Maibabalik sa Kapa Members ang Pera ayon kay Pastor Joel Apolinario

Mayor Inday Sara ng Davao on KAPA issue
Ayon kay KAPA founder Pastor Joel Apolinario, "Hindi niya na maibabalik ang pera dahil pumirma raw ang mga miyembro nito bilang isang donasyon O love gift." 

Ito ay masakit na katotohanan para doon sa mga miyembro na naghihintay sa kanilang buwanang payouts na kapag ginusto na nila na bawiin ang kanilang investment money sa KAPA in the disguise of donations O love gifts.


Source: https://pinoytrend.net/2019/06/20/mayor-inday-sara-finally-speaks-about-kapa-issue-hindi-na-maibalik-ang-pera/
Pero ayon kay Mayor Sara ng Davao, isang paraan na makatao - yaong mga KAPA members na interesado talaga na mabawi ang kanilang investment money sa KAPA suhestyon niya ay ito: "Kung interesado kayong mag-file ng complaint, punta kayo ng NBI, i-file mo na gusto mo nang maibalik ang pera mo."


Pinabulaanan din ni Mayor Sara ng Davao ang claims ng KAPA Community Ministry International founder Pastor Joel Apolinario that she approved the said religious group to continue their operations attracting new members to invest money to the alleged KAPA Investment Scam.

Pastor Joel Apolinario for President 2022
Dahil na rin sa sama ng loob sa pagkahinto ng alleged KAPA Investment Scam, KAPA members ay kasalukuyang nagpaplaplano to let their founder Pastor Joel Apolinario to run for Presidency in 2022. 

Sources of idea and other info: 

Mayor Inday Sara Duterte Finally Speaks About KAPA Issue
Mayor Inday Sara Duterte on KAPA Issue in Video - Credits to Video Uploader Facebook 

Wednesday, June 19, 2019

Nawala ang Respito sa Batas at kay Pangulong Duterte Dahil sa Salapi at Kasaganaang Dulot nito


Nang hindi pa pumutok ang KAPA Investment Scam, ang limang milyong member nito ay tahimik, masaya sa gitna ng kasaganaang naibigay ng KAPA Community Ministry sa kanila - sa pamamagitan ng natatanggap nilang payouts bilang buwanang kita ng kanilang investment sa KAPA in the disguise of donation at sumusuporta sila sa mga adhikain ng Pangulong Duterte.

Pastor Joel Apolinario - may pusong maka-mahirap

Ayun sa mga impormasyon na naglipana sa iba't ibang social media tulad ng YouTube, Facebook at Twitter, ganun din sa mga online newspapers, other websites at blog sites; mga pinag-uusapan sa Television at Radio stations - ang natatanggap na biyaya ng mga members ng KAPA mula kay Pastor Joel Apolinario ay malaking nakatulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.



30% buwanang kita ng donasyon 

Mula sa mga news reports na mababasa natin at mapapanood sa YouTube ganun din sa Television, ang salaping pinanggalingan ng kanilang donasyon sa alleged KAPA Investment Scam ay mula sa napag-bintahan ng kanilang mga ari-arian tulad ng bahay, lupa, kalabaw, sasakyan; mula sa naipong buwanang sahod ng mga OFWs na nagpapakahirap sa pagtratrabaho sa ibayong-dagat sa pangakong 30% ang buwanang kita ng kanilang donasyon.

5 million KAPA members hate President Duterte 

Nang ipahinto ni Pangulong Duterte ang paglayag ng KAPA at ang iba pang pyramiding schemes sa Pilipinas - ang 5 million members ng KAPA ay nagkaisa at sinisi nila ang pangulo. Ang kanilang pagmamahal, pagtitiwala at respito kay Pangulong Duterte ay napalitan ng galit. Iisa ang kanilang sigaw: "Hindi maka-mahirap ang pangulo." At nagkaisa sila na hikayatin nila si Pastor Joel Apolinario na tumakbo sa pagka-Pangulo sa darating na election 2022.


Sen Trillanes on KAPA Investment Scam
Sen Trillanes on the alleged KAPA Investment Scam

Dahil sa poot na nananahan sa kanilang puso at isipan sa pagkawala ng kanilang buwaang kita mula sa kanilang donasyon sa alleged KAPA Investment Scam - ang karamihan sa KAPA members ay biglang naging Yellow sa pangangatwiran lalu na nang sumawsaw sa KAPA isyu si graduating Senator Trillanes at nagbigay ng kanyang suhestyon na magka-isa ang limang milyong KAPA members at ipa-impeach nila si Pangulong Duterte.

Panghihinayang sa buwanang payouts

Of course, hindi ako honest sa aking sarili kung hindi ko panghihinayangan ang buwanang payouts na matatanggap ng isang KAPA member. At hindi rin ako magiging honest sa aking sarili kung sa kabila na may nilabag na batas ang KAPA Investment ayun sa SEC kaya tinawag ito na "SCAM" ako ay magmamatigas at hindi ko pakikinggan ang magandang layunin ng Pangulo kung bakit kanyang pinahinto ang KAPA Invest Scam.


Best time to see the president

Kung sana sa araw na ipina-close ni Pangulong Duterte ang alleged KAPA Investment Scam that was on June 8, 2019 - gumawa na sana ng hakbang si Pastor Joel Apolinario - kinausap sana nya personal ang pangulo with his lawyers na dala ang mga dukomentong magpapatunay na hindi scam ang KAPA Investment. 

I hope na sana itinuro ni Pastor Joel Apolinario sa 5 million members ng KAPA Community Ministry ang halaga ng Romans 13: 1 -7. Ito ay patungkol sa "Submission to Governing Authorities".

Romans 13: 1-7 Submission to Governing Authorities

13-1 Let everyone be subject to the governing authorities, for there is no authority except that which God has established. The authorities that exist have been established by God. Consequently, whoever rebels against the authority is rebelling against what God has instituted, and those who do so will bring judgment on themselves. 
For rulers hold no terror for those who do right, but for those who do wrong. Do you want to be free from fear of the one in authority? Then do what is right and you will be commended. For the one in authority is God’s servant for your good. But if you do wrong, be afraid, for rulers do not bear the sword for no reason. They are God’s servants, agents of wrath to bring punishment on the wrongdoer. 
Therefore, it is necessary to submit to the authorities, not only because of possible punishment but also as a matter of conscience. This is also why you pay taxes, for the authorities are God’s servants, who give their full time to governing. Give to everyone what you owe them: If you owe taxes, pay taxes; if revenue, then revenue; if respect, then respect; if honor, then honor.
Hindi ako sang-ayun sa pinalalabas ng mga KAPA members na "Ninakaw ng Gobyerno ang pera ng KAPA" dahil sa pagka-freezed ng lahat na bank accounts ni Pastor Joel Apolinario. Ang obserbasyon ko ay kasama ito sa procedures habang ang nasabing alleged KAPA Investment Scam ay nasa gitna ng imbistigasyon.

My last cents

Patotoo ba ito na "The love of money is the root for all kinds of evil" dahil sa salapi at kasaganaang dulot nito, nawala ang respito, pagmamahal at pagtitiwala kay Pangulong Duterte at sa batas ng mga taong sangkot sa alleged KAPA Investment Scam? 

Sources of idea and other info:

KAPA Quezon City
PresDuterte PenWarrior
Pres Duterte orders to close Kapa
Pres Duterte VS Pastor Joel Apolinario
SEC 30% return on Kapa Investment hindi makatotohanan

Monday, June 17, 2019

Kanino Kayo Maniniwala: Kay Pangulong Duterte Na Nagpapatupad Ng Batas O Kay Pastor Joel Apolinario Founder Ng KAPA Investment Scam


Isa sa mga trabaho ng pangulo ng bansa ay ipatupad ang batas na ginawa ng Congress. Lalu na po kung ang batas ay para sa kapakanan ng nakakaraming Filipino. Dahil po kung hindi nya ipapatupad ang batas - yun ay magiging dahilan para siya kasuhan O ma-impeach.

Ang pagpahinto ni Pangulong Duterte sa KAPA Investment Scam ay para protektahan ang mga member ng KAPA laban sa taong umakit sa kanila para mag invest in a disguise of donation with a promise to receive a blessing of 30% base sa amount na kanilang na donate sa organization.

Ayun kay Pangulong Duterte, continuing crime daw ang investment ng KAPA at dapat kasuhan ang nangangasiwa ng KAPA Community Ministry - mapapanood ito sa SONA ni Ms. Jessica Sojo.

Sa pagtupad ni Pnagulong Duterte sa kanyang trabaho, ikinagalit ito ng mga members ng KAPA, na ayon kay Pastor Joel Apolinario ang KAPA members ay aabot na raw ngayon ng 5 milyon. At naniniwala sila na hindi raw scam ang KAPA dahil po magmula po na sila ay naging member ng KAPA, hinid na raw po sila naghirap, natulungan sila na maiangat ang kanilang pamumuhay.

Para sa karagdagang info, panooin ninyo ang video at kung may time pakisagot sa tanong: Kanino Kayo Maniniwala: Kay Pangulong Duterte Na Nagpapatupad Ng Batas O Kay Pastor Joel Apolinario Founder Ng KAPA Investment Scam? 

Sunday, June 9, 2019

President Duterte to NBI: Close Down KAPA Investment Upon My Order

May nilabag bang batas ang KAPA? Bakit ipapasara ito ni Pangulong Duterte? Sa live program ni Pastor Apollo C. Quiboloy "Give US This Day" on June 8, 2019 si Pangulong Duterte ang naging special guest - kanilang tinalakay ang tungkol sa KAPA.



Sa gitna ng kanilang pag-uusap, President Duterte considered KAPA as a Pyramiding. Sabi nya: "When it is too good to be true, it is fraud." Ang isang daang libong peso na e-invest mo ay kikita ka ng 30,000php a month - nadaig pa ang Central Bank na ang kayang ibigay na interest ay 3% lamang annually. At mariin na inutusan niya ang NBI nang ganito: "Close down KAPA investment upon my order."

What is pyramiding?

Pyramiding is a method of increasing a position size by using unrealized profits from successful trades to increase margin. Pyramiding involves the use of leverage to increase one's holdings by making use of an increased unrealized value of current holdings. Since the use of leverage is involved, this is a riskier strategy than one which only makes use of cash to purchase securities.

Sa ilalim ng Administrasyon ni Pangulong Duterte - isa sa kanyang adhikain ay makita at maranasan ng mga maralitang Filipino na mabago ang kanilang pamumuhay. At ginagawa niya at ng kanyang kabinete ang lahat na masolusyunan ang kahirapan ng mga nakakaraming Pinoy sa malinis at legal na pamamaraan.


Mula nang itatag ang KAPA in 2015 ni founder Pastor Joel A. Apolinario, at ayon narin sa mga members na nakikinabang at patuloy na nakikinabang sa KAPA Community Ministry International Inc., marami na sa mga Filipinong member nito ang natulungan at umahon na sa hirap. Ito ay naging award winning: GAWAD FILIPINO AWARDEE.

Ang KAPA ba ay isang Scam O Legitimate?

Isa sa mga naniniwala sa KAPA si (KAPA Baby) nagsabi: How can you say KAPA is scam if you are already getting the benefits from it? How can you say it is a scam if you can prove it that there are many peoples are now improving their lives because of joining KAPA? Definitely, KAPA is not a scam. It is Legit.

What is Scam and Legit?

Scam is a fraudulent scheme performed by a dishonest individual, group, or company in an attempt obtain money or something else of value. Scams traditionally resided in confidence tricks, where an individual would misrepresent themselves as someone with skill or authority, i.e. a doctor, lawyer, investor. After the internet became widely used, new forms of scams emerged such as lottery scams, scam baiting, email spoofing, phishing, or request for helps. Legit or Legitimate means Acceptable or recognized as genuine, valid, or conforming to established codes, customs, rules, or standards of conduct. See also lawful and legal.


KAPA LOGO
Kung ang KAPA ay Legit, bakit nag isyu ang SEC ng Permanent CDO to KAPA Community Ministry International Inc.? 


The Securities and Exchange Commission (SEC) has permanently released their cease-and-desist order (CDO) against Kapa-Community Ministry International Inc. (KAPA), a Surigao del Sur-based religious corporation that claims to be socializing from public investments, through the Ponzi scheme. 
The SEC issued the CDO on February 14, citing substantial evidence that KAPA has offered and sold securities – in the form of investment contracts and in the guise of donations – without the necessary license and in a manner resembling a Ponzi scheme. A Ponzi scheme is an investment fraud which lures investors with promises of high financial returns or dividends. In such a scheme, the operator pays the initial disciples by the amount invested by subsequent investors while bulk of the investment remains with the proponent or operator.

Definition of KAPA, Donee and Donor from their website (kapamilyonario.com) before it was taken down.
KAPA - Community Ministry International Inc. was founded by Pastor Joel A. Apolinario in 2015. KAPA means "Kadatu Ang Padulngan Apil Komunidad." In Tag-alog term - "Pagyaman Ang Patutunguhan Kasama Ang Komunidad." 

KAPA-COMMUNITY MINISTRY INTERNATIONAL INC, is a legitimate non-denominational ministry, a religious corporation organized under Philippine laws and registered with the Securities and Exchange Commission under Company Registration No. CN2017707724 represented by KAPA FOUNDER Joel A. Apolinario hereinafter referred to as the DONEE. A Donee is a person to whom a gift is made.



The DONOR is a member of this organization that for and in consideration of the generosity which the DONOR has for the DONEE. The donated amount shall be used for the ministry to achieve its mission and vision for the propagation of religious faith, establishment of livelihood programs for the benefit of its members. The DONEE does accept this donation and does express his gratitude for the kindness and liberality of the DONOR.
How to join and become a KAPA member?

A person who is willing to become a member of KAPA should support voluntarily the ministry by donating a certain amount of money with the minimum of five thousand pesos (5,000.00) and maximum of one million pesos (1,000,000.00) out of his willingness and generosity. 
The KAPA office will give him application forms to be filled upon membership registration in order for him to become a bonafide member of the organization.

For those who are in abroad (ofw’s) and far distant places, they can send their donations to the trusted and honest persons whom they are comfortable with as their sponsors to assist, manage and transact their money faithfully at the KAPA office and assure them that their donation are in good hands.


Mga negosyong nasimulan at nabuhay dahil sa mga Donasyon ng mga members ng KAPA - Community Ministry International Inc., from their website (kapamilyonario.com) before it was taken down.

Ayon sa mga mababasa nating mga artikulo sa online at sa mga social media patungkol sa KAPA Community Ministry International Inc., ang KAPA ay meron ng mahigit dalawang milyong members. At yaong mga nalikom na donasyon mula sa mga meyembro ay ginamit para sa pinasok ng KAPA na iba't ibang negosyo at hanapbuhay at ang kinita mula sa mga negosyo at hanapbuhay ay pagmumulan ng blessings O kita na ipagkakaloob sa mga KAPA members.



Sa ngayon ang KAPA ay meron ng KAPA Mining Site - producing tone-toneladang limestones. Meron din KAPA MInMetal Trading. Pumasok narin ang KAPA sa Agrikultura tulad ng pagsasaka ng palay at marami pang iba. Meron pang Planters Woodcircle Industries Inc. At sinasabi na lahat ng pinasok na negosyo at hanapbuhay ang kita at benepisyo ay mapupunta raw sa lahat ng KAPA members.

Dahil sa cease-and-desist order (CDO) ng SEC against Kapa-Community Ministry International Inc., ating napag-alaman na ang KAPA - Community Ministry International Inc. ay hindi rehistrado as Investment Organization - ang kanilang rehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) ay Religious Organization. 

Sa kabila ng mga issues na kinasasangkutan ng KAPA - Community Ministry International Inc., nanatiling matatag ang KAPA at sa kanilang mga members ito ang mensahe, I quote: "KULUNGAN ANG HAHANTUNGAN NG MAGPAPASARA SA KAPA."
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Paliwanag ni Mr. Gonzales (KAPA Quezon City): Any LGU Official and or employee, including ANY member of the PNP or AFP who would implement the ACTUAL CLOSURE of ANY Office or BRANCH ng KAPA will end-up sa KULUNGAN. Why?


CONTEMPT OF COURT: 

The COURT--
1. has ALREADY claimed JURISDICTION over the SEC'S CDOs,
2. has ALREADY issued TRO and Preliminary Injunction, and
3. is NOW ASSESSING the COMPELLING NEED to issue or not to issue a PERMANENT (perpetual) INJUNCTION (prohibition) against the SEC's CDOs. This is the REASON why even former AFP CHIEF and now DILG Secretary Ano resorted MERELY to ADVISORY than MEMORANDUM ORDER
ADVISORY is merely PUBLIC INFORMATION, a POGI POINT PROTOCOL which the DILG is BOUND to do as PART of the LAW of Internal Communication and GOVERNMENT TRANSPARENCY. ALWAYS SHARE THE Goodnews! #KAPAQUEZONCITY.
--------------------------------------------------------------------------------------------------

Sources of idea and other info:

U3: President Duterte on KAPA - June 8, 2019
Inquirer.Net: SEC CDO to Kapa-Community Ministry International INC

Thursday, June 6, 2019

Mga Halik kay Pangulong Duterte, Kinaiinggitan ng Opposition

Pinupog Ng Halik si Pangulong Duterte ng mga Magaganda sa Tokyo, Japan
Wala na. Finish na talaga ang Opposition. Ultimo ang paghalik kay Pangulong Duterte ay gagawing issue. At sa tulong ng mga bayarang media palalabasin na ang pangulo ng Pilipinas ay bastos at walang galang sa mga kababaehan. Kasalanan ba ng pangulo kung dudumugin siya ng mga tao sa tuwing bibisita siya sa mga bansang may Filipino? Kasalanan ba ng pangulo kung ang iba sa mga magagandang kababaehan doon ay mag-uunahang para pupugin siya ng halik? Dahil para sa kanila, yun ay halik ng pagmamahal, respito, pagkilala at pasasalamat na nagkaroon sila ng isang pangulong may tapang, hindi korap at may malasakit sa kanyang paglilingkod.

Presensya ng Isang Nagmamahal na Ama

Alam natin lahat na sa tuwing kasama ang pangulo ng mga OFWs - ramdam na ramdam nila ang presensya ng isang nagmamahal na ama. Sa kabila na nandoon sila sa ibayong-karagatan, hindi nila pinalalampas ang pagkakataon na sa minsang pagdalaw ng pangulo sa bansang kinaroroonan nila - sisikapin nila na makalapit sa pangulo, makadaupang-palad ang pangulo, mayakap ang pangulo at mahalikan ang pangulo. Nasaan ang masama doon? Pati ba naman ang kaligayahan ng mga OFWs na mahalikan ang pangulo ay mali sa mata ng mga opposition. Tulad na lamang nang bumisita si Pangulong Duterte sa Japan - pinupog siya ng halik ng mga magaganda ng Tokyo, Japan.


Pangulong Duterte Isang Rock Star O Superstar

Si Pangulong Duterte ay maihahalintulad ng isang Rock Star O Superstar, hindi lamang sa bansang Pilipinas maging sa mga bansa na kanyang binibisita. Hindi maitatago na marami sa ating mga Filipino mapa-babae man o mapa-lalake man ang umiidolo sa kanya kasama mga taga ibang bansa na humahanga sa kanyang pamumuno. Kaya kayong mga opposition - gawin narin ninyong idolo si Pangulong Duterte - aminin man ninyo O hindi nakikinabang din naman kayo sa mga magagandang bunga ng kanyang pagbisita sa ibat' ibang mga bansa. Huwag hayaang laging burak ang laman ng inyong mga utak dahil magbubunga yan ng walang kwentang pang-unawa at pangangatwiran!

Source of idea and other info: Japan2019, Duterte Kinuyog ng Halik sa Tokyo, Japan

Wednesday, June 5, 2019

Senator Nancy Binay Offers Graduating Sen Trillanes Free Burial in The Makati Cemetery

Free Burial for Graduating Sen Trillanes in the Makati cemetery
Ang free burial para kay graduating Sen Trillanes sa Makati cemetery ay isa sa tatlong matatanggap ni Sen Trillanes kapag nilisan nya na ang Senado sa June 30, 2019. Maliban sa free burial, mae-enjoy din ni graduating Sen Trillanes ang 24-hour free parking at the Makati parking lot, plus free admission to the hospital ng Makati. Lahat yun ay matatangap ni Sen Trillanes sa oras na tinanggap nya ang offer na teaching job ni Sen Nancy Binay at the University of Makati.


Kung babalikan natin ang nakaraan - It was Sen Trillanes who initiated the Senate probe, laban kay VP Binay noon which began on Aug. 20, 2014 and ended in January 2016Binay, who refused to appear in any of the Senate hearings, had insisted that the probe was politically motivated to prevent him from winning the presidency. He was the poll leader before the start of the Senate investigation.

Ang pamilya Binay sa Makati ay niyurakan ang kanilang pagkatao noon ni Sen Trillanes, kinaladkad ni Sen Trillanes ang pamilya Binay sa kahihiyan. Sa tagal ng Senate hearing na ginastusan ng milyun-milyong pera mula sa kaban ng bayan - wala naman napatunayan. Ngayon, ang pamilyang kanyang hinubaran sa kahihiyan ang syang unang nag-alok sa kanya ng trabaho. 

Source of idea and other info: Breaking News: Free Burial for Sen Trillanes 

Tuesday, June 4, 2019

Pangulong Duterte: Kung Walang Disiplina, Disiplinahin



"Simple lang ang kailangan natin - Disiplina. Mga Tren na tumatakbo sa tamang oras. Mga Kalyeng tama ang pagkagawa - imbis na binabaha. Mga Kalsadang walang trapik. Mga Airport na hindi kahiya-hiya. Police na di kriminal bagkus nanghuhuli ng kriminal. Mga servant na hindi nang-aapi kungdi nagsisilbi. Mga mambabatas na hindi lumalabag kungdi nagpapatupad ng batas. Pangulong di nagtatago kungdi namumuno. Gobyernong hindi korap, mga mamamayang hindi takot palagi. Lahat po yan pwede pag may Disiplina. Aanhin natin ang tuwid na daan kung tinutonton lamang ng iilan? Tigilan na ang kalokohan. Kung walang Disiplina, disiplinahin." Laman ng Duterte Ads na hindi pinalabas ng ABS-CBN.

Bago nahalal na pangulo si dating Mayor Rodrigo Roa Duterte ng Davao, sa kanyang puso at isipan naglaro at kumatok ang salitang Disiplina. At base sa kanyang nakita at naranasan sa mga naunang pangulo ng bansa magmula kay dating pangulo Corazon C. Aquino, Fidel Ramos, Estrada, Arroyo at Noynoy Aquino - nabuo ang Duterte Ads na hindi pinalabas ng ABS-CBN. 

Duterte Ads
Ang nasabing ads ay nagpahayag ng mga katotohanang hindi maikukubli. Ang layunin ng Duterte Ads ay itama ang mga maling sistima na magmula kay Mrs. Corazon C. Aquino down to Noynoy Aquino ay naging pattern kung paano gumalaw ang mga nakaraang pamunuan. Nguni't sa kasamaang-palad hindi ito pinayagang mapanood ng milyong-milyong Filipino during the campaign period of 2016 national elections, ang simpleng dahilan - ABS-CBN ay pag-aari ng oligaryong Dilawan.

Kung papanoorin ninyo ang video O babasahin ninyo ang laman ng nasabing Duterte Ads - ang mga pagbabago na gusto niyang ipatikim sa mga mamamayang Filipino ay atin nang nararanasan sa unang tatlong taon ng kanyang pamumuno. Hindi man natin napanood ang Duterte Ads noon bago ang halalan noong 2016 - ngayon ramdam na ramdam natin ang tamis ng bunga ng kanyang pagpupunyagi. Ang pangulong may paninindigan at may malasakit sa bayan at sa mamamayang Filipino after Marcos.

Source of idea and other info: Pangulong Duterte: Kung Walang Disiplina, Disiplinahin

Sunday, June 2, 2019

Senator Francis Pangilinan: Nanggipit at Nilabag ng Duterte Government ang Omnibus Election Code

Kiko Pangilinan: Photo Credits Citizen Express Today
Hanggang ngayon hindi parin maka-move on si Senador Kiko Pangilinan sa pagka-talo ng Otso Diretso sa nakaraang halalan. Laman ng kanyang utak ay ang mariin niyang akusasyon na ang Duterte government ay "Nanggipit daw sa kanila at nilabag daw ang Omnibus Election Code" na naging sanhi ng pagkatalo ng kanyang pinagpupugayang walo para sa Senado.

Ang paghihinagpis ng kanyang kalooban, ang kirot na kanyang nararamdaman sa kalooblooban ng kanyang puso at ang pagkalito ng kanyang pag-iisip lahat yon ay mababanaag at mapipinta sa parang namamanas niyang mukha. Kung ating pagmamasdan hindi maikakaila sa atin na si Sen Kiko Pangilinan ay kulang na sa tulog - ang kanyang mga eye-bags ay manas narin kasama ang talukap ng kanyang mga mata. 
Kiko Pangilinan Tweets
Pati tuno ng kanyang pangangatuwiran ay hindi na angkop sa kanyang status bilang isa sa ating mga mambabatas. Isa siyang abogado at alam niya na kapag inakusahan ang isang tao, O isang institution O ang gobyerno ang nag-akusa ay may hawak na sapat na ebidensya laban sa inaakusahan. Ayon sa Citizen Express Today, I quote "Pinakilos ang buong makinarya ng makapangyarihan para siguruhing wala ni isa sa ating mga kandidato ang magkakamit ng poder sa Senado. Nagkaroon ng pagbabanta, pananakot, massive vote-buying, electioneering at iba pang mga paglabag sa Omnibus Election Code." Sa akin tama lamang na walang nanalo sa isa sa mga Otso Diretso candidates.

Hanggang ngayon hind parin maunawaan ni Senador Kiko Pangilinan at ng lahat na opposition na ang nakakaraming Filipino ngayon lalu na po yung mga tinawag nilang mga Bobo-tante na mahihirap at walang pinag-aralan ay nagising na at naging matalino na sa pagpili kung sino sa mga kandidato na kanilang pagtitiwalaan para sa kanilang kinabukasan at ng kanilang mga anak. Kung sa 2022 election, sasabak muli ang taga-oposisyon - ang payo ko sa kanila ay "samantalahin nilang makipagkasundo sa Duterte government sa nalalabing tatlong taon sa panunungkulan ni Pangulong Duterte - baka sakali pagdating ng 2022 - may mabola silang Filipino voters."

Source of idea and other info:

Senator Kiko Pangilinan: Nanggipit at Nilabag ng Duterte Government ang Omnibus Election Code
Senator Kiko Pangilinan Tweets

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!