loading...

Monday, June 24, 2019

Para maibalik sa mga members ko ang kanilang donasyon - kukunin ko ang pera na naibigay ko na sa kanila para tabla, ayun kay Pastor Apolinario.

KAPA Pastor Joel Apolinario with Ted Failon Live @ DZMM
"Para maibalik sa mga members ko ang kanilang donasyon - kukunin ko ang pera na naibigay ko na sa kanila para tabla," ayun kay Pastor Apolinario nang siya ay ma-interview live ni Ted Failon sa DZMM around 8:30 AM today, June 24, 2019. 

Ayun pa rin sa kanya, "Ang problema - papaano ko pa makukuha ang mga perang naibigay ko na sa aking mga members kung ang mga perang yun ay nagamit na nila sa pagbili ng bahay, pagbili ng sasakyan, naibayad na nila sa tuition, sa pagpapagamot, pagbili ng medisina, pagkain at sa iba pang pinagkagastusan?"

Sa sinabi ni Pastor Joel Apolinario, sinundan ng tanong ni Ginoong Ted Failon na ganito: "So sa ngayon po, Pastor wala na pong maaasahan ang inyong mga members na blessings sa kanilang mga donasyon?"

Sagot ni Pastor Joel Apolinario: "Kung hindi po kami bibigyan ng pagkakataon na mag-operate muli yun aming Ministry, talagang sasabihin na natin na parang suntuk sa buwan na yun..."

Nang tanungin ni Ted Failon si Pastor kung siya ba ay nagtatago o in hiding ngayon, malinaw po na sinagot ni Pastor Joel Apolinario nang ganito: "Opo, Sir at hindi po natin yan maiwasan...at meron po tayong naga-advice na hindi mabuti na mailantad ako sa mga humahabol sa atin...eh kasi, hindi naman po na wala tayong kaligtasan doon sa naghahabol, pero naniniguro lang po..."

Para sa karagdagang info - better to watch the below live video interview ni Ginoong Ted Failon ng DZMM kay KAPA Pastor Joel Apolinario. 


Video Credits Belong to YouTube Uploader - Ting Research

Related Articles:


The Truth Hurts: Hindi na Maibabalik sa Kapa Members ang Pera ayon kay Pastor Joel Apolinario 

Nawala ang Respito sa Batas at kay Pangulong Duterte Dahil sa Salapi at Kasaganaang Dulot nito




Source of idea and other info: 

Pastor Apolinario on DZMM Radio with Ted Failon

2 comments:

  1. Operate muli? Ang tindi mo naman. Hindi ka pa nakuntento sa mga taong niloko mo, gusto mo pang manloko ulit?

    ReplyDelete
  2. Kita nila ang binigay mo sa business ninyo..yung puhunan nasa iyo ibalik mo dapat..kadugasan iyan pinalitan mo lang ng tawag sa capital nila n donasyun..tas yung tubo blesssing .dpat magpaka krustiano ka pastor kung makadiyos ka tlafa isoli ming puhunan nila.tubo lng yn binigay o di ko nmaibalik dahil ayaw mo.ibinli mo n ng jetplane dba

    ReplyDelete

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!