loading...

Monday, June 17, 2019

Kanino Kayo Maniniwala: Kay Pangulong Duterte Na Nagpapatupad Ng Batas O Kay Pastor Joel Apolinario Founder Ng KAPA Investment Scam


Isa sa mga trabaho ng pangulo ng bansa ay ipatupad ang batas na ginawa ng Congress. Lalu na po kung ang batas ay para sa kapakanan ng nakakaraming Filipino. Dahil po kung hindi nya ipapatupad ang batas - yun ay magiging dahilan para siya kasuhan O ma-impeach.

Ang pagpahinto ni Pangulong Duterte sa KAPA Investment Scam ay para protektahan ang mga member ng KAPA laban sa taong umakit sa kanila para mag invest in a disguise of donation with a promise to receive a blessing of 30% base sa amount na kanilang na donate sa organization.

Ayun kay Pangulong Duterte, continuing crime daw ang investment ng KAPA at dapat kasuhan ang nangangasiwa ng KAPA Community Ministry - mapapanood ito sa SONA ni Ms. Jessica Sojo.

Sa pagtupad ni Pnagulong Duterte sa kanyang trabaho, ikinagalit ito ng mga members ng KAPA, na ayon kay Pastor Joel Apolinario ang KAPA members ay aabot na raw ngayon ng 5 milyon. At naniniwala sila na hindi raw scam ang KAPA dahil po magmula po na sila ay naging member ng KAPA, hinid na raw po sila naghirap, natulungan sila na maiangat ang kanilang pamumuhay.

Para sa karagdagang info, panooin ninyo ang video at kung may time pakisagot sa tanong: Kanino Kayo Maniniwala: Kay Pangulong Duterte Na Nagpapatupad Ng Batas O Kay Pastor Joel Apolinario Founder Ng KAPA Investment Scam? 

10 comments:

  1. Syimpre kay Pastor Apolinario kami naniniwala kase yon ang tunay na nakakaintindi sa aming mahihirap. Tunay sya na tumutulong sa amin. Si Pangulong Duterte...naku! malabo nayan kase nahipnotays nayan ni Quibs na alagad ni Satanas.

    ReplyDelete
  2. Pastor Apolinario please huwag kang mag alala narito kami para sayo. Noon tinulongan mo kami ngayon naman kami narin ang tutulong sayo. Magdasal tayo sa Dios wag kang mawalan ng pag asa. Remember if God is with us who can be against us. Mabuhay po kayo Pastor Apolinario at ang KAPA>

    ReplyDelete
  3. Please huwag naman kayong bias anong KAPA Investment Scam. Napakasakit ninyong magsalita. Unfair kayo. Sino kaya ang scam baka si Quiboloy na syang nag udyok ni Pangulong Duterte para paalisin ang KAPA. Si Quiboloy ang dapat mawala kase masama syang tao, pahirap yan sa bayan. Magsayad yan sa utak. Boang yan, hayop at ubod ng sama. Walang hiya yang Quiboloy na yan. Galit kami kay Duterte at kay Quiboloy.

    ReplyDelete
  4. Sino ba kayong gumawa nito paki sabi lang galit talaga kami kay Quiboloy tapos malaki ang tampo namin kay Duterte. Hindi sya pro people servant of Quiboloy si Duterte.

    ReplyDelete
  5. Syimpre kay Pastor Apolinario kami naniniwala sya ang tunay na may malasakit sa bayan. Si Duterte? ewan.. hay nako.

    ReplyDelete
  6. Duterte.. dapat magpasalamat yan kay Pastor Apolinario kase malaking naitulong yan sa pag sugpo ng drugs. Dahil sa mga investments ngayon hindi na nag popush ng drugs ang mga tao kase may pagkain na at pang gastos sa pang araw araw. Pastor Apolinario for President na tayo....

    ReplyDelete
  7. Please i publish nyo ito ha.. Kay Pastor Apolinario kami naniniwala. Noon kay Duterte pero ngayon X na sya sa amin. Big X na sya sa aming heart because He hurts us. Tell him please.

    ReplyDelete
  8. Pangulong Duterte please huwag kang pauto sa kaibigan mong alagad ni Satanas. Matalino ka Mr. President please ano bang nangyari sa inyo ngayon? Gihulga kaba ni Quibs? Huwag kang pauto sa anak sa demonyo.

    ReplyDelete
  9. Duterte pa rin pero naniniwala talaga kami kang Pastor Apolinario. Go KAPA...go Pastor mabuhay po kayo.

    ReplyDelete

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!