loading...

Wednesday, June 26, 2019

Pamilya Marcos nakabalik na sa Palasyo ng Malacanang: Tiyak suntok sa Buwan ito sa Dilawan


Family Marcos on June 25, 2019, the day Imee Marcos took her oath of office as Senator in Malacanang with the other elected Senators (Photo credits belong to Facebook Uploader)
Napakagandang pagmasdan ang kompletong pamilya ng Marcos - sa muling pagsasama sa isa't isa. Mababanaag sa kanilang mga labi ang tamis ng kanilang mga ngiti. Punumpuno ng kulay at buhay. Mga mata nila'y nangungusap, nakaka-akit tingnan.

Tunay nga po ang buhay ay parang gulong - minsan nasa ilalim at minsan nama'y nasa ibabaw ang pag-ikot nito. Hindi biro sa pamilya Marcos ang higit tatlong dekada na sila ay iniladlad sa kahihiyan ng kalaban. Ngunit nanatili silang buo at taas noong hinarap ang sari-saring paghamak sa kanilang pagkatao.

Hindi nagbago ang kanilang pakikitungo sa kapwa. Mapagmahal, may malasakit sa ibang tao. Hindi sila nakitaan ng galit - ang namutawi sa kanilang mga puso ay pagpapakumbaba at pagpapatawad sa mga taong may inggit at galit sa puso.

Kompletong pamilya ng Marcos - kahit wala na ang dating pangulo na si Ferdinand Edralin Marcos, pero ang kanyang alaala ay nanatiling buhay nasa likod lang nila, nakangiti sa portrait, kasama ang dating First Lady Imelda R. Marcos, ang kanilang tatlong anak si Sen Imee, si VP Bongbong, si Irene at ang kanilang mga mapagmahal na mga apo.

Source of idea and other info: Oath Taking of Elected Senators 2019 in Malacanang

1 comment:

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!