Nang hindi pa pumutok ang KAPA Investment Scam, ang limang milyong member nito ay tahimik, masaya sa gitna ng kasaganaang naibigay ng KAPA Community Ministry sa kanila - sa pamamagitan ng natatanggap nilang payouts bilang buwanang kita ng kanilang investment sa KAPA in the disguise of donation at sumusuporta sila sa mga adhikain ng Pangulong Duterte.
Pastor Joel Apolinario - may pusong maka-mahirap
Ayun sa mga impormasyon na naglipana sa iba't ibang social media tulad ng YouTube, Facebook at Twitter, ganun din sa mga online newspapers, other websites at blog sites; mga pinag-uusapan sa Television at Radio stations - ang natatanggap na biyaya ng mga members ng KAPA mula kay Pastor Joel Apolinario ay malaking nakatulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
30% buwanang kita ng donasyon
Mula sa mga news reports na mababasa natin at mapapanood sa YouTube ganun din sa Television, ang salaping pinanggalingan ng kanilang donasyon sa alleged KAPA Investment Scam ay mula sa napag-bintahan ng kanilang mga ari-arian tulad ng bahay, lupa, kalabaw, sasakyan; mula sa naipong buwanang sahod ng mga OFWs na nagpapakahirap sa pagtratrabaho sa ibayong-dagat sa pangakong 30% ang buwanang kita ng kanilang donasyon.
5 million KAPA members hate President Duterte
Nang ipahinto ni Pangulong Duterte ang paglayag ng KAPA at ang iba pang pyramiding schemes sa Pilipinas - ang 5 million members ng KAPA ay nagkaisa at sinisi nila ang pangulo. Ang kanilang pagmamahal, pagtitiwala at respito kay Pangulong Duterte ay napalitan ng galit. Iisa ang kanilang sigaw: "Hindi maka-mahirap ang pangulo." At nagkaisa sila na hikayatin nila si Pastor Joel Apolinario na tumakbo sa pagka-Pangulo sa darating na election 2022.
Sen Trillanes on KAPA Investment Scam |
Dahil sa poot na nananahan sa kanilang puso at isipan sa pagkawala ng kanilang buwaang kita mula sa kanilang donasyon sa alleged KAPA Investment Scam - ang karamihan sa KAPA members ay biglang naging Yellow sa pangangatwiran lalu na nang sumawsaw sa KAPA isyu si graduating Senator Trillanes at nagbigay ng kanyang suhestyon na magka-isa ang limang milyong KAPA members at ipa-impeach nila si Pangulong Duterte.
Panghihinayang sa buwanang payouts
Of course, hindi ako honest sa aking sarili kung hindi ko panghihinayangan ang buwanang payouts na matatanggap ng isang KAPA member. At hindi rin ako magiging honest sa aking sarili kung sa kabila na may nilabag na batas ang KAPA Investment ayun sa SEC kaya tinawag ito na "SCAM" ako ay magmamatigas at hindi ko pakikinggan ang magandang layunin ng Pangulo kung bakit kanyang pinahinto ang KAPA Invest Scam.
Best time to see the president
Kung sana sa araw na ipina-close ni Pangulong Duterte ang alleged KAPA Investment Scam that was on June 8, 2019 - gumawa na sana ng hakbang si Pastor Joel Apolinario - kinausap sana nya personal ang pangulo with his lawyers na dala ang mga dukomentong magpapatunay na hindi scam ang KAPA Investment.
I hope na sana itinuro ni Pastor Joel Apolinario sa 5 million members ng KAPA Community Ministry ang halaga ng Romans 13: 1 -7. Ito ay patungkol sa "Submission to Governing Authorities".
Romans 13: 1-7 Submission to Governing Authorities
13-1 Let everyone be subject to the governing authorities, for there is no authority except that which God has established. The authorities that exist have been established by God. 2 Consequently, whoever rebels against the authority is rebelling against what God has instituted, and those who do so will bring judgment on themselves.
3 For rulers hold no terror for those who do right, but for those who do wrong. Do you want to be free from fear of the one in authority? Then do what is right and you will be commended. 4 For the one in authority is God’s servant for your good. But if you do wrong, be afraid, for rulers do not bear the sword for no reason. They are God’s servants, agents of wrath to bring punishment on the wrongdoer.
5 Therefore, it is necessary to submit to the authorities, not only because of possible punishment but also as a matter of conscience. 6 This is also why you pay taxes, for the authorities are God’s servants, who give their full time to governing. 7 Give to everyone what you owe them: If you owe taxes, pay taxes; if revenue, then revenue; if respect, then respect; if honor, then honor.
Hindi ako sang-ayun sa pinalalabas ng mga KAPA members na "Ninakaw ng Gobyerno ang pera ng KAPA" dahil sa pagka-freezed ng lahat na bank accounts ni Pastor Joel Apolinario. Ang obserbasyon ko ay kasama ito sa procedures habang ang nasabing alleged KAPA Investment Scam ay nasa gitna ng imbistigasyon.My last cents
Patotoo ba ito na "The love of money is the root for all kinds of evil" dahil sa salapi at kasaganaang dulot nito, nawala ang respito, pagmamahal at pagtitiwala kay Pangulong Duterte at sa batas ng mga taong sangkot sa alleged KAPA Investment Scam?
Sources of idea and other info:
KAPA Quezon City
PresDuterte PenWarrior
Pres Duterte orders to close Kapa
Pres Duterte VS Pastor Joel Apolinario
SEC 30% return on Kapa Investment hindi makatotohanan
No comments:
Post a Comment