loading...

Tuesday, January 15, 2019

Bakit Ang Dating Daan? Ano Ang Mayroon sa Kanila

Bro Eli Soriano and Bro Daniel Razon: Images Via MCGI
Sa kabila na maraming bumabatikos sa Ang Dating Daan, ito ay patuloy na namamayagpag hindi lamang sa Pilipinas kung di pati sa ibayong-karagatan. Ang Members Church of God International kung tawagin sa Tagalog na: Mga Kaanib sa Iglesia ng Dios na Pandaigdig ay patuloy sa pakikisalamuha sa lahat ng uri ng tao sa mundo lalo doon sa mga naghahanap ng katotohanan tungkol sa mga aral at tamang katuruan na nakasulat sa banal na aklat.

Sa mababasa sa kanilang opisyal website - Members Church of God International - The Church is led by overall servant and renowned international televangelist Brother Eli Soriano, seconded by assistant overall servant and veteran broadcaster Brother Daniel Razon. The Church’s primary convention center is located in Apalit, Pampanga, the province where its early ministerial activities began.
MCGI is well-known through its flagship radio and television program, Ang Dating Daan. The program is recognized as the longest-running religious show in the Philippines, and has foreign counterparts in more than 70 countries – The Old Path in English, El Camino Antiguo in Spanish, and O Caminho Antigo in Portuguese.

Ang Members Church of God International (TagalogMga Kaanib sa Iglesia ng Dios na Pandaigdig) ay ang pangalan ng organisasyong panrelihiyon sa bansang Pilipinas na unang nirehistro ni Eliseo Soriano noong 1977. Ito ay mas kilala sa tawag na Ang Dating Daan, ang kanilang pangunahing programa sa radyo at telebisyon.

Short account ni Bro Eli Soriano: 

Si Bro Eliseo Soriano na ipinanganak noong Abril 4, 1947 ay lumaki at namulat na kaanib sa pangkating pananampalataya na tinatawag na "Iglesia ng Diyos kay Cristo Hesus Haligi at Suhay ng Katotohanan" na pinangungunahan noon ni Nicolas Perez (ang dating nangangasiwa sa samahan). Noong taong 1969, si Soriano ay naging ministro ng samahan, at bilang isang tagapangaral, isa siya sa mga maaaring maging kahalili ni Perez bilang tagapangasiwa.

Pagkamatay ni Nicolas Perez noong taong 1975, isang babaeng tagapangaral ang pumalit sa tungkuling iniwan ni Perez, siya ay si Levita Gugulan. Ang kaganapang iyon ay tinutulan ni Bro Eli Soriano na nagbunga ng kaniyang pagtalikod sa samahan kasama ang 16 na mga kaanib noong Pebrero 21, 1976. 

Si Bro Eli Soriano at ang kaniyang mga kasama na tumiwalag ay nagtatag ng panibagong pangkatin ng pananampalataya na tinatawag na "Mga Kaanib Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas".

Sa mga interesado na maging kaisa sa Ang Dating Daan or sa mga taong naghahanap ng katotohanan sa pananampalataya na ayon sa Biblia ito ang pwede ninyo puntahan:

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!