Image Via Federal Philippines FB Page |
Ang masakit pa, yaong mga tulong mula sa ibang mga bansa (cash and goods) para sana sa mga naging biktima ng Bagyong Yolanda ay hindi na-distribute ng tama. Karamihan ay napunta kung kaninong bulsa. Ultimo mga relief goods na kailangan ng mga biktima ng bagyo at that time ay hinayaan na lang na masira kaysa pakinabangan.
Ito ang Barkong Sumadsad sa Kalupaan ng Barangay Anibong, Tacloban City dahil sa Storm Surge nang humagupit ang Bagyong Yolanda sa buong siyudad ng Tacloban noong 2013. Ngayon ito ay isa na pong Tourist Spot. Kuha ko po ito noong Nov 26, 2018 (short vacation naming mag-ama) ako ay nasa taas ng barko hawak ang Philippine flag.
Ngayon, it's payback time para kay Mar Roxas. Isa siya sa mga Yellowtards na tatakbo pagka-senador sa darating na MidTerm Elections 2019 - sa palagay kaya ni Mar Roxas, mabola pa kaya nya ang mga Taclobanon, ang buong Region 8 at buong Pilipinas - na siya ay pabalikin sa puesto?
Sa panahon ni Noynoy at Mar Roxas naging subject sa usapan na ang siyudad ng Tacloban ay mawala na sa lugar na kinalalagyan nito sa dahilan daw ang Tacloban City is not safe for habitation anymore. Ginawa nilang rason ang nangyaring flood sa buong siyudad ng Tacloban dahil sa stormsurge dahil sa lakas ng Bagyong Yolanda.
No comments:
Post a Comment