Karakol ayon sa turo ng Simbahang Katoliko - isasayaw sa kalsada ang mga Santo o rebulto na gawa ng kahoy o semento ng mga tagasunod ng Simbahang Katoliko....kahit sa gitna ng ulan.
Kinakailangang sila'y pasanin upang makarating sa kanilang dako, bagaman may paa di sila makalakad, may kamay man ay di makahawak, may ngala ngala gayon may di makapagsalita, may ilong gayon may di makaamoy, may mga Mata ngunit di makakita, Yan Ang dios diosan na KASUKLAMSUKLAM sa DIOS ng BIBLIA.
Sa Awit 106: 36 ito ang mababasa: "At sila'y nangag-lingkod sa kanilang mga Diosdiosan; na naging silo sa kanila."
Noong 2012 - naging bulag din ako sa katotohanan. Nagsayaw din po ako sa Karakol na iyan. Iyon din ang santong isiniyaw noon kung tawagin nila ay Sagrada Familia (Rebulto nila Joseph, Maria at Jesus).
Pero nang magsimula akong magbasa sa Biblia at napapanood ko si Bro. Eli Soriano sa kanyang mga bible expositions sa YouTube at Television - unti-unting nagliwanag ang mga mata ko mula sa pagkabulag.
Kaya po ngayon nagpapasalamat ako sa Diyos na aking nasumpungan ang daan na nagpabago sa aking paniniwala at pagiging pagano. Salamat sa Diyos sa Kanyang pagpapala kay Bro. Eli Soriano na siyang ginamit Niya para ipangaral sa tao ang tunay at katotohanan - mga aral at turo ng Maylikha na nakasulat sa Biblia.
No comments:
Post a Comment