loading...

Monday, January 28, 2019

Sa MidTerm Elections (2019) Piliin Natin ang Doseng Tuwid at Diretso ang Lakad

Photo Credit belongs to FB uploader

Hindi natin kailangan ang Otso. Ang kailangan natin ay doseng tuwid at diretso ang lakad, may magandang layunin, handang magbigay ng tamang serbisyo at magiging katuwang ng pangulo sa kanyang matuwid na pamumuno. 
Photo Credit belongs to FB uploader

Hindi natin kailangan ang walo. Nakita na natin kung paano sila mang-uto at manloko. Mas mabuti ang doseng diretso, na may malasakit sa kapakanan ng bansa at kapwa Filipino. Hindi pa ba sapat ang higit tatlumpung taon na ang Pilipinas ay sumailalim sa pagmamalabis ng kapangyarihan ng Team Yellow?

Photo Credit belongs to FB uploader

Dahil sa kultong Dilaw naghirap ang bansa at mga Filipino. Sa loob ng mahigit 30 years, namuhay tayong mangmang at naging mga uto-uto sa lahat ng bagay na gusto nila. Naging sunod-sunuran tayo sa kanila. Ang nasabing demokrasya na kanilang ipinaglaban kuno sa EDSA ay taliwas sa totoong kahulugan nito - tayong mahihirap ginawang kasangkapan nila para manatili sa puwesto at kontrolin ang bansang ito.

Photo Credit belongs to FB uploader

Sa mga panahon na sila ay nasa panunungkulan - naging pikitbulag tayo sa kanilang mga pang-aabuso. Nakaw dito, nakaw doon - dahil ang mahalaga sa kanila ay pera. Kaya naman lalung naghirap si Juan dela Cruz - in-unti-unting pagnakawan ang kaban ng bayan. Hindi tayo bulag para hindi makita at malaman ang kanilang kabuktutan.

Photo Credit belongs to FB uploader

Hanggang sa dumating ang taong handang maglingkod ng tapat at may malasakit sa kanyang bayan at sa mga mamamayang Filipino - sa katauhan ni Mayor Rodrigo Roa Duterte ng Davao - nabuhayan ng pag-asa ang bansang ito. Nakita natin ang totoong pagbabago.

Ngayon kabayan, ikaw ba ay kaisa sa tunay na pagbabago sa ilalim ng pamamahala ng ating butihing Pangulong Duterte? Kung iyon ang ipini-pintig ng iyong puso - wag nang mag-atubili - burahin ninyo ang walo sa inyong isipan. Bagkus ituon ninyo ang inyong pansin sa doseng tuwid at diretso ang lakad na may totoong layunin mag-serbisyo at may malasakit sa ikabubuti ng bansa at magiging katuwang ng pangulo sa kanyang mga magandang adhikain para sa bayan.

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!