Photo Credits: Facebook Group of Friends
Hindi pa man nakaakyat sa Senado ang batas na maga-amend sa batas Republic Act 9344 ang ibang mga senador ay kontra na sa nasabing pag amyenda lalu na po si Senator Francis Pangilinan - na sinang-ayunan naman ng iba't ibang grupo ng mga estudyante at mga kontra sa administrasyon - ayon sa kanilang mga sigaw na nagsasabi "Children are not criminals".
Ayon kay Oriental Mindoro Rep Doy Leachon "We are not putting children in jail, but in reformative institutions to correct their ways and bring back to the community. They will not be branded as criminals but children in conflict with law." Pero sa kabila ng paliwanag ni Rep Doy Leachon, patuloy pa rin ang iba't ibang rally and demonstrations laban sa planong pag amend ng batas Republic Act 9344 or the Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 - at ang mga nasabing rallies ay laging hina-highlighted ng mga biased mainstream media.
Para po sa bumabatikos sa panukalang batas na mag-bababa sa 15 years old to 9 y/old ang criminal responsibility, para po sa akin ito po ay magandang batas para alagaan ang ating mga kabataan at maiwasan na magamit sila ng mga sindikato o mga masasamang grupo ng ating lipunan.
Sa gagawin na pag amyenda ng nasabing batas Republic Act 9344 na nasimulan nang tarabahuhin ng Lower House - ang mga sumusunod na mga puntos ay mababasa sa baba:
(1.) Ang lahat ng bata na eksaktong 9 years old pababa ay ABSOLUTELY EXEMPTed from criminal responsibility. Ang sakop sa batas na ito ay 9 years old and 1 day at higit pa. Pero ang sinumang higit sa 9 y/old but below 15 y/old ay mae-exempt din sa criminal liability and be subjected to intervention program unless the child has acted with discernment. Ibig sabihin kung sakali lamang na lubusan nilang naiintindihan ang tama sa mali at nauunawaan nila na gumawa talaga sila ng krimen.
(2.) Limitado lamang po ito sa specific crimes tulad ng:
- Murder, Homicide, Parricide, Infanticide, Violation of Dangerous Drugs Act, Rape, Carnapping, and kidnapping
(3.) Kung sakaling napatunayang sila ay may sala sa korte sa mga nabanggit na krimen, HINDI PO SILA IKUKULONG TALIWAS SA PAGKA INTINDI NG KARAMIHAN.
SILA PO AY ISA-SA-ILALIM SA PROGRAMA NG REFORMATIVE INSTITUTIONS. The purpose of these institution is to help the children to be integrated back to the community after they have committed criminal acts. Katulad po nito ang BAHAY PAG-ASA sa ilalim ng DSWD. Hindi po sila ituturing na criminal at hindi isasama sa mga selda. Ang turing sa kanila ay CHILDREN IN CONFLICT WITH LAW.
(4.) Sino man ang nasa hustong gulang na gumagamit ng mga bata para makagawa ng krimen ay magkakaroon ng maximum na parusa na RECLUSION PERPETUA. Sa ganitong paraan, hindi na gagamitin ang mga kabataan para gumawa ng krimen lalo na sa droga na hawak ng mga sindikato.
(5.) Kasabay ng Child in conflict with law ang magulang ay ilalagay rin sa mandatory intervention program. Para sa ganun maintindihan ng magulang na hindi nila dapat hiahayaan ang kanilang mga anak na gumawa ng krimen o para mas maalalayan nila ang kanilang mga anak sa pagbabago. Ang pagtanggi ng magulang ay may katumbas na pagkakakulong.
(6.) TALIWAS SA PAGKA INTINDI NG KARAMIHAN, hinding hindi po maha-hatulan ng panghabang buhay na pagkakakulong o ang mga kabataan na ito kung sakaling mapatunayan na GUILTY. THE COURT SHALL IMPOSE 2 DEGREES LOWER THAN THAT PRESCRIBED BY THE LAW FOR CRIMES COMMITTED BY CHILDREN WHO ARE IN CONFLICT WITH LAW. SAMAKATUWID, KUNG SAKALING NAPATUNAYANG MAY SALA ANG PINAKAMATAAS NA HABA NG PARUSA AY 12 YEARS LAMANG PERO HINDI NIYA BUBUNUIN ITO SA BILANGGUAN KUNG HINDI SA BAHAY PAG-ASA.
(7.) Kung sakaling umabot siya sa 18 years old at hindi pa rin nagbabago, dadalhin sila SA MGA AGRICULTURAL PENAL FARM OR TRAINING CAMPS na ang mamahala ay ang Bureau of Corrections o di kaya ng TESDA. Kapag umabot siya sa 25 years old, SIYA AY PAPALAYAIN KAHIT HINDI PA TAPOS ANG SINTENSYA. HINDI PO SILA IKUKULONG SA BILANGGUAN AT ISASAMA SA PRESO. HINDI DIN SILA MAHA-HATULAN NG KAMATAYAN KUNG SAKALING MAIBALIK ITO DAHIL 2 DEGREES LOWER NGA ANG IBABABA NG HATOL SA KANILA.
SANA PO BASAHIN MUNA PO NATIng MAIGI ANG PANUKALANG BATAS AT HINDI BASTA KUMONTRA NG HINDI NAIINTINDIHAN. Maganda po ang purpose ng batas.
Sources of idea and other info:
- https://youtu.be/IB-8W6Yxx7w
- https://www.facebook.com/groups/783065158490030/permalink/1541162189346986/
- https://www.msn.com/en-ph/news/national/house-oks-bill-lowering-criminal-liability-age-to-9/ar-BBSxDv8
- https://www.unafei.or.jp/publications/pdf/RS_No101/No101_17_IP_Philippines.pdf
- https://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra2006/ra_9344_2006.html
No comments:
Post a Comment