loading...

Saturday, July 7, 2018

Ang Pakinabang ng Mga OFWs sa 'PhilHealth O PHIC' Philippine Health Insurance Corporation

Philippine Health Insurance Corporation
Dati ang isang OFW bago pumunta sa ibayong-dagat ay nagbabayad sa POEA para sa OWWA Medicare membership na nagkakahalaga ng 900 pesos. At ang kaniyang dependent o mga dependents ay mabibigyan ng discounts sa mga gastos sa hospitals na accredited ng OWWA kung sila (dependents) ay may hawak na kopya ng OWWA Medicare Certificate mula sa papaalis na OFW.
Sa iba’t-ibang internet forums ay naging paksa sa talakayan ng mga OFWs ang tungkol sa mga tanong: Kung itong PhilHealth ba ay pakikinabangan ng mga OFWs at kanilang mga dependents? Marami sa mga OFWs ang nagsabi na walang pakinabang. Lalu na nang magtaas ang kontribusyon sa PhilHealth noong Hulyo 2012 sa pamamagitan ng PhilHealth circular No. 022 na ang layunin ay taasan ang taunang kontribyusyon – mula sa 900php tataas ito sa 2,400php at isa po ako sa milyong OFWs na tumutol sa nasabing PhilHealth circular No.022. 
Pero walang nangyari ang protesta naming mga OFWs - under the Administration of former President Noynoy Aquino, yong circular No. 022 ang nasunod at sumunod bumulaga sa amin ang news reports na ang mga opisyal ng PhilHealth ay tumanggap ng milyong-milyong Christmas cash bonuses. Di po ba nakapagtataka - pagkatapos taasan ang kontribusyon ng PhilHealth, lumabas na milyong-milyong cash bonuses ang pinakawalan ng ahenshang ito para sa kanilang mga opisyal.


Maliban sa OWWA Medicare, mayroon ding SSS Medicare noon at ang buwanang premium ay 75 pesos na kasamang binabayaran kung ang isang SSS member ay nagbabayad ng kaniyang monthly contribution. Ngunit tumaas ang premium na 100 pesos ang isang buwan o 1,200 pesos sa isang taon, nang ang SSS Medicare ay naging PhilHealth noong 1999.
Dahil ako ay dating SSS Medicare member, mula 2000 hanggang 2006, ang bawat taon na aking binabayaran ay 1,200 pesos sa PhilHealth. Nang aking hingan ng paliwanag ang PhilHealth collecting office sa Trece Martirez City, Cavite, dahil ako’y nakatira noon sa Cavite, kung bakit nagtaas ang premium mula 75 pesos ay naging 100 pesos na, ang sagot nila sa akin ay wala raw akong magagawa kung hindi ang sang-ayunan ang pagtaas ng monthly premium. Naitanong ko rin sa kanila kung ang aking mga dependents sa dati kong SSS Medicare ay sila pa rin ang legal kong mga dependents sa PhilHealth ang sagot ay sila pa rin – kung maipapakita ko ang mga dokumento tungkol dito.
Ito ay mahalaga para sa mga PhilHealth members. Kung kayo ay bagong member na OFW at nagbayad ng 2,400php sa POEA, iyon ay hindi nangangahulugan na ang inyong asawa, mga anak o magulang at iba pa na miyembro ng inyong pamilya ay mga legal na ninyong dependents. Sila ay magiging legal na inyong dependents kung kayo (OFWs) ay nakipag-ugnayan sa Philhealth at ipinakita ang mga dokumentong kailangan nito at ang inyong mga dependents ay nakasama na sa masterlist ng PhilHealth Data Base. Ang mga kailangang dokumento ay ang mga sumusunod:
1) Marriage Contract – kung ikaw ay may asawa, (2) Birth Certificates ng inyong mga anak – Maganda kung ang mga ito ay manggagaling sa NSO (3) Kopya ng inyong passport (4) Patotoo ninyo na ang inyong mga dependents ay malusog sa date of application sa PhilHealth.
Kung ikaw ay single pa ang mga dokumentong kailangan ng PhilHealth para sa inyong mga dependents ay sertipiko ng kapanganakan: ng nanay, tatay, kapatid o pamangkin at kopya ng iyong passport at patotoo ninyo na ang inyong mga dependents ay malusog sa date of application sa PhilHealth. Ito ay ayon sa lahat na aking ipinakita sa PhilHealth noon. Mahalaga na makipag-ugnayan kayo sa PhilHealth, sa sulat o email. Ang website nito ay makikita sa http://www.philhealth.gov.ph

Noong Febrero 2007, bago ako bumalik sa Saudi, nagbayad ako sa POEA para sa PhilHealth. Ang kopya na binayaran ko kasama ang aking PhilHealth ID ay iniwan ko sa aking maybahay. Sa mahabang panahon ng pagiging PhilHealth member ko ay hindi pa ako at mga dependents ko nakikinabang dito.
Hanggang sa kasamaang palad ang panganay ko na 17 taong gulang na babae ay nakipagbuno kay kamatayan sa loob ng 7 araw sa Our Savior Hospital, Rosario, Cavite. At laking pasasalamat naming mag-anak nang sa pang-pitong araw ng aking anak sa kuwartong iyon ay masayang ibinalita ng doktor na siya ay fully recovered na.
Sa pitong araw na pamamalagi ng aking anak sa Savior Hospital ay umabot din ng 29,470.50 pesos ang hospital bill kasama ang Professional Fee at Pedia Fee. Nguni’t ang binayaran lamang ng aking maybahay ay umabot lamang ng 21,070.50php. Ang 8,400 pesos ay pumasok na PhilHealth deductions. Ito ang unang pagkakataon na napakinabangan ng aking dependent ang aking PhilHealth dahil sa pesteng kagat ng lamok!

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!