July 23, 2018 - Pababa ng Presidential Chopper si Pangulong Duterte, Batasang Pambansa |
Bakit naging historical date ang July 23, 2018 para sa Pilipinas at sa mga Filipino?
July 23, 2018 - Former President Arroyo, Bagong House Speaker, Batasang Pambansa |
July 23, 2018 - President Duterte Delivers His SONA 2018 Speech, Batasang Pambansa |
Halos lahat ay nasabi niya mula sa problema ng drugs, care of children and youths, corruption, kriminalidad, train law, ang Boracay issue, ang kaniyang foreign policy, ang pakikipag-relasyon sa China at ibang bansa, ang problema sa West Philippine Sea, patungkol sa OFWs, Edukasyon, Contractualization, salary increase ng men in uniform, Healthcare, build, build, build program ng gobyerno at marami pang iba. Lahat yon ay pinalakpakan ng mga nandodoon. Pero ang higit na tumanggap ng matunog na palakpakan ay nang sabihin niya na "Your concern is Human Rights, mine is Human lives," followed by his explanation.
Sa ikatlong SONA ng pangulo, sa labas ng Batasang Pambansa - sa bandang Commonwealth avenue nandoon ang rally ng mga anti-Duterte, ang layon nila ay isigaw ang kanilang pagtutol na maisa-batas ang BBL as well as ang pagtutol nila sa Train Law dahil para sa kanila, pahirap lang daw ito sa mamamayang Filipino. Sa harap at malapit sa Batasang Pambansa - nandoon ang pro-Duterte rally na ang layon ay suportahan ang mga adhikain ng mahal nating Pangulong Duterte.
Sources of idea and other info:
Ikatlong Sona 2018 ng Pangulong Duterte
Gloria Macapagal Arroyo, Bagong Speaker ng Lower House
No comments:
Post a Comment