loading...

Tuesday, July 31, 2018

Tulang Akrostik Alay Kay Pambansang Kamao: Manny 'Pacman' Pacquiao

Tulang Akrostik alay kay Pambansang Kamao: Manny 'Pacman' Pacquiao - presently one of the greatest Filipino boxers of the world.
Pambansang Kamao
Tulang Akrostik ni Hercules L. Regis

Pacquiao kampeon sa mundo ng boksing "Pacman" kung ituring
Alay sa bansa'y karangalan dahil sa kaniyang galing
Makabayan, may puso sa bawa't labang dumarating
Bakas ang tapang, itaya ang buhay kahit mapaling
Angking titulo sa walong dibisyon walang kahambing
Nabubuklod ang lahing Pilipino -- naging maningning
Sagisag ng tagumpay, kaway ng bandilang magiting
Adhika'y kababaang loob sa kalaban ang turing
Nais ating lahi'y makita kabutihang nagniningning
Gabay niya'y tiwala sa Dios na dakila't kapiling...

Karagdagang talento't sipag sa larangan ng sining
Ambisyong pulitika't artista sa bayan nilambing
Makamit kalinga sa kapuwa'y hangad makarating
Ambag ay inspirasyon sa kabataan pina-igting
Obligasyon ay ihandog ang saya sa bawa't piging!

Other Interesting Poems of Hercules L. Regis

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!