loading...

Wednesday, July 11, 2018

Lambing ni Inang Kalikasan: Nadudurog Ang Puso Ko sa Tuwing Nakakakita ng Kalbong Kabundukan


Yes. We did not stop praying with so much hope that one day the right time will come that our complaints and calls would be entertained to stop the illegal minings and the illegal loggings industry in the country. And yes, our prayers are heard, the one who hears them is no other than our beloved President Duterte. We are happy that President Duterte is indeed willing that illegal minings and illegal loggings in the country should be suppressed accordingly.
Pagmimina
Di maipagkakaila na ako’y nasasaktan,
na makitang dinudurog ang kagubatan.
Walang habag na winawasak ang kagandahan,
ng mga taong nagnanasa’t uhaw sa aking yaman…
Di sila titigil hangga’t di makita ang ginto,
o ang pagdaloy ng malapot kong dugo.
At mawasak ang aking sinapupunan,
na tahanan ng mga nilikha ni Bathala!
Pera
Sa tuwing may sakuna,
laging sinisisi si Bathala…
Ang kalbuhin ang kagubatan,
iyon ba ay utos ng Maylikha?
Di ba ito’y bunga ng kapangyarihan ng pera –
diyos ng Sangkatauhan at Sanglibutan!
Tao
Masarap mabuhay
Paggising mo sa umaga
ay malaya mong lalanghapin
Ang halimuyak ng kabukiran
Malaya mong tatanawin
ang kulay berdeng mga dahon
Bigay nila’y buhay at pag-asa
Malaya mong lalanguyin at sisisirin
ang malawak at malalim na karagatan
At malaya kang mamumuhay sa kandungan
ni Inang Kalikasan na masaya!
Nadudurog ang puso ko sa tuwing nakakakita ng kalbong kabundukan.

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!