loading...

Thursday, July 26, 2018

Kamay na Bakal ni Digong

Isa sa milyon-milyong nagmamahal at nagtitiwala sa mahal nating Pangulong Duterte ay itong si Ginoong Hercules Lara Regis na taga Abuyog, Leyte. Sa pamamagitan ng kaniyang mga tula - kaniya pong naipapahayag ang kaniyang saloobin: paghanga at pagkilala sa katapatan ni Pangulong Duterte, isang pangulo na may malasakit sa bayan at sa mamamayang Filipino. Sa ibaba po ay ang tulang pinamagatang: Kamay Na Bakal Ni Digong. Let us welcome him.


Kamay Na Bakal Ni Digong

Kamaong kalaban ng katiwalian
Amba nito'y disiplinang katuparan
Masasamang bisyong droga'y wawakasan
Adhika'y tuwid na may kapayapaan
Yugto ng pagbabago'y masasaksihan...

Nililinis at walang kinikilingan
Abusadong lingkod-baya'y babawasan.

Bakas ito ng pangakong katapatan
Angkop ang bagsik ng katotohanan
Kakalusin kahit sinong tatamaan
Apulahin ang salot sa ating lipunan
Layon nito'y magandang kinabukasan...

Naipapadama ngayo'y kagalakan
Ialay ay tulong laban sa kahirapan.

Dadaloy ang biyayang inaasahan
Ipatutupad pantay na katarungan
Gabay ating Dios na makapangyarihan
Obligasyon sa baya'y isasakatuparan
Nararapat ang tapat na katapangan
Ganap na magiting Pangulo ng bayan!

Para kay Ginoong Hercules Lara Regis, ang tula ay isang madamdaming wika mula sa puso O ritmo ng puso na nagpapahayag ng kagandahan at makahulugang wika. Siya po ay awtor ng mga tulang Akrostik, Titik-Teknik Katipunan ng mga Tulang Akrostik. 

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!