Oplan Clean Riders Alpha |
Isang 'Sticker ng Clean Riders' Ang Kailangan Mo Kabayan Para Maiwasang Sitahin Kung May CheckPoint Ang Ating Kapulisan. Ayon sa programang ito - ang sticker ng Clean Rider ay magsisilbing palatandaan na ang iyong motor-siklo ay na checked na at nakarehistro na sa Clean Rider ng bawa't probinsha o munisipyo na nakasasakop ng iyong bayan.
Ang 'Oplan Clean Riders Alpha' ay isang hakbang ng ating mga Kapulisan para masugpo ang mga kriminalidad na gawa ng mga 'Riding in Tandem'. Kung ang iyong motor ay may sticker na ng Clean Rider, hindi ka na sisitahin kung may checkpoint ang ating kapulisan at kung saan mang lugar dalhin mo ang iyong motor-siklo.
Ang programang ito ng ating mga Kapulisan ay para sa lahat ng mga lihitimong nagmamay-ari ng mga motor-siklo na gustong mabigyan ng libreng 'Sticker ng Clean Riders'. Hindi ito sapilitan - nguni't manghihinayang ka sa matatanggap na benepisyo ng 'Sticker ng Clean Riders' kung aayaw ka sa libreng sticker na ito.
Para maka-avail ka ng libreng sticker ng Clean Riders - pumunta lamang sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya sa lugar mo at magdala ng mga sumusunod na mga dokumentong ito:
- Original Receipt/Certificate of Registration ng iyong motor-siklo
- Deed of Sale kung hindi nakapangalan sa inyo ang motor-siklo
- Isang valid ID
- At mag fill-out ka ng form na galing sa istasyon ng pulisya
Source of idea and other info: Pilar Mps/Pilar PNP Pcr
No comments:
Post a Comment