Ang magsasaka ay Hari ng Bukid. Araw-araw kaniyang inaaruga at binabantayan ang kaniyang mga pananim. Madalas pinapangarap niya ang nalalapit na anihan. Sisiguruhin niya na ang kaniyang pagod ay magbubunga at pakikinabangan ng sambayanan.
Magsasaka
Tulang Akrostik ni Hercules L. Regis
Malawak at masukal na lupaing kaniyang nililinang
Ayuda niya'y 'di matatawaran, lahat tayo'y nakikinabang
Ganap ang layuning dapat mataniman ang lupang tigang
Sinisinop mga binhi, sinisikap pagyamanin sa parang
Abono sa taniman, ito'y pinahahalagahan at handang isalang
Saganang ani sa tuwina'y inaasam, upang makaabot sa tao ang pakinabang
Atensyon ay nakatuon sa kabuhayan, lagi nating katuwang
Kasipagan niya'y kabayanihang ipinagkaloob sa ating walang kulang
Ambag niya sa mamamayan, dakilang gawain sa kaniya nakaatang...
Below are other poems of Hercules L. Regis
Pambansang Kamao
Kamay Na Bakal Ni Digong
Pangulong Duterte
Tunay Na Magsasaka
Pambansang Kamao
Kamay Na Bakal Ni Digong
Pangulong Duterte
Tunay Na Magsasaka
No comments:
Post a Comment