loading...

Thursday, August 2, 2018

AFP OESPA (Office of Ethical Standards and Public Accountability) HYMN 'LINGKOD NG BAYAN'

Sumasaludo ako sa lahat ng mga mabubuting Kasundaluhan at Kapulisan. Itong AFP OESPA HYMN "LINGKOD NG BAYAN" ay hindi lamang para sa mga Kapulisan at Kasundaluhan ng bansang Pilipinas. Ito rin ay para sa lahat ng mga Government Workers ng ating Pamahalaan: Executive Branch, Legislative Branch at Judicial Branch - ayon sa R.A. 6713 Sec 4 Norms of Conduct of Public Officials and Employees. Watch the video. Get the message and share to others, if possible.


Message mula kay retired MSgt Hercules L. Regis: "Good morning po Sir. May gusto po sana akong e-share composed ko po naging official hymn po ng AFP OESPA (Office of the Ethical Standard of Public Accountability). Naiwan ko po sa AFP bago ako mag retire. Gusto ko po sana ma-share ito sa lahat ng "LINGKOD BAYAN" at maramdaman ang lyrics mula sa RA 6713 - ang pagpapahalaga sa SALN (siyang dahilan ng pagka-alis ng dating CJ Sereno). Sa Civil Service ko po sana ibibigay ang compose ko, nagkataon po kasi nasa AFP po ako kaya dun ko inihandog. Sir nasa youtube po "AFP LINGKOD NG BAYAN" pls share salamat po."

Detalye patungkol sa AFP OESPA HYMN "LINGKOD NG BAYAN"

The said AFP Hymn Lingkod Ng Bayan was published on YouTube on November 10, 2014. The song was composed by retired MSgt Hercules Lara Regis PA. The message of the song ay patungkol sa pamantayan o gabay ng lahat ng Lingkod Ng Bayan - ang Mabuting Asal, Isip at Gawa - ayon sa R.A. 6713 Sec 4 Norms of Conduct of Public Officials and Employees - Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Liriko: MSgt Hercules L Regis PA
Musika at Areglo: Ton Llantada Kami’y lingkod ng bayan, taglay ay katapatan Tungkulin ay hindi pababayaan Likas ang kasipagan alay sa’ting lipunan Patungo sa matuwid na daan. Refrain 1 Mula Luzon, Visayas, Mindanao Gabay ang DIYOS sa paglalakbay Marating ang landas ng mabuting pamumuhay.
Chorus (2x)

Kami’y lingkod ng bayan, katiwalian hahadlangan Di papayag maghari ang panlilinlang Maging marangal ang paglilingkod sa bayan Pamantayan ang mabuting asal, isip at gawa Ihahandog dignidad at kagitinga’y madama Walang alinlangan, laging makatarungan. Masigla ang tugon sa usaping pambayan Iingatan demokrasya’t kalayaan Walang kinikilingan, walang pababayaan Tapat sa adhika ng pamahalaan Refrain 2 Ipadama ang pananagutan sa bayan Wagas, at totoong huwaran Ang mamuhay ng simple ayon sa kinikita Kayamanan ang matuwid na gawa. Coda Ihahandog dignidad at kagitinga’y madama Walang alinlangan, laging makatarungan. "ANG TUNAY NA YAMAN AY ANG MALINIS NA PUSO'T ISIPAN NA MAIPAMAMANA SA ATING LAHI, TUNGO SA TAMANG DAAN NG PAMUMUHAY," said MSgt Hercules L Regis PA TOPS 2010, Author TITIK-TEKNIK KATIPUNAN NG MGA TULANG AKROSTIK.

Please Note: This's published with the permission of the owner, author and song composer former MSgt. Herculess L. Regis - PA.

Source and Reference: AFP OESPA HYMN LINGKOD NG BAYAN

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!