Ayon mismo kay Bong Go - the current Special Assistant to the President (SAP), ang dahilan kung bakit hindi tumitigil nang matagal ang ating butihing pangulo sa palasyo ng Malacañang ay dahil sa mga multo na gumagala sa palasyo. Kaya naman ang pangulo has decided na limitan ang minsang pag-uwi niya sa Davao - total naman, either nasa palasyo siya ng Malacañang o sa Davao, nagtatrabaho siya at si Bong Go 24/7.
Nang minsan nagkwentuhan sila tungkol sa mga multong gumagala sa palasyo, President Duterte told him "Bong duwag ka ba? Huwag kang matakot sa mga multo." Sumunod nagbitiw ng maikling salita ang pangulo sa mga multo, ang sabi "Hoy mga multo, umalis kayo dito, bumalik kayo sa 2022, pag hindi na ako ang presidente, 'wag ngayon sa panahong ito. Alis!"
Mga kabayan, pag sinabi po ba ang multo o mga multo - is it necessarily na tukuyin sila na mga multong matagal na namayapa na hindi pa na tahimik ang kanilang mga kaluluwa? O di kaya naman puwede natin silang tawagin na mga multong buhay na hindi mapakali sa mga sarili dahil sa takot na sila ay hubaran at malantad ang kanilang mga sekreto at mga baho? Sino kaya ang mga Multong ito?
Source of idea and other info: Mga Multong Gumagala sa Palasyo ng Malacañang
No comments:
Post a Comment