loading...

Friday, August 24, 2018

Hold Up Ito: Walang Papalag

Photo Credits: Yahoo Search
Bandang alas 7:45 ng gabi

Pasahero ng FX ang 4 na armadong kalalakihan
Na sinasakyan ni maganda pauwi ng Bulakan
Nang biglang sumigaw ang isa sa 4 na kawatan: 
“Walang papalag! Hold up ‘to! ”

Ngatog ang kanyang buong kalamnan
Sumigaw siya nguni’t walang lumabas
Na mga kataga mula sa kaniyang bibig
Pakiramdam niya’y may bagay na matigas
Na nakakalso sa kaniyang lalamunan…

Sumakit at nagsisikip ang kanyang dibdib
Dama niya ang pintig ng kanyang puso
Dumadagundong ito na parang tambol
Sa loob niya ay galit nguni't di siya makagalaw
Sa takot na baka iputok sa kanya ang baril! 

Ang kaniyang mga mata’y naging bukal
Ng kristal na tubig na dumaloy pababa
Sa kaniyang mamula-mulang mga pisngi
At sa kaniyang mga labi na nagtitimpi
Ng matinding galit nguni’t ‘di makalabas…

Hindi niya mapigilan ang pagdaloy
Gumapang ito hanggang sa kanyang dibdib
Pinilit niyang takpan nang mahigpit ang mga mata
Upang mahinto ang pagpatak ng luha
Nguni’t ‘di masawata ang pagdausdos nito…

Wala siyang nagawa kungdi ang ipaubaya na lamang
Nguni’t napapaso siya sa t’wing dumadampi ang mga daliri
Ng mga kawatan sa kanyang balat, isa-isang tinanggal
Sa kanyang nanginginig na katawan, ang mahalaga n’yang ari-arian
Na kanyang iniingatan ng mahabang panahon!

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!