Our Beloved Grand Child Daniela: Ang Munting Anghel Ng Aming Buhay
Hindi maikukubli ang saya
Larawan sila ng liwanag at pag-asa
Sa t’wing sisikatan ng araw sa umaga...
Ang kaniyang hagikhik at tawa
Ay gamot sa pusong nagdurusa
At sa mga pagal na tainga
Sila’y mga musika...
Siya’y isang munting anghel
Na galing sa mundong nagmahal
Na galing sa mundong nagmahal
At nag-aruga mula nang siya'y isilang
Ang kanyang inang mapagpala...
Sa kabila na siya’y mahina
Malalambot ang mga paa
Hubad at wala pang malay
Siya’y bulaklak ng buhay...
Ang haplos ng kanyang mga kamay
At tamis ng kanyang halik at dighay
Sa t’wing siya’y naglalambing
Walang matamis na maihahambing...
Kaya dapat lamang na siya’y mahalin
Alagaan ng husto at pagyamanin
Alagaan ng husto at pagyamanin
Siya’y bunga ng pag-iibigan
Ng dalawang pusong nagmahalan!
No comments:
Post a Comment