Screenshot ng Limang Senador: Drilon, Pangilinan, Trillanes, Aquino and Hontiveros - Ayaw sa Transparency and Good Governance: Balakid sa Tunay na Pagbabago |
Sa mahigit na dalawang taong panunungkulan bilang pangulo ng bansa ang butihin nating Pangulong Duterte - higit dalawang taon din po na itong limang Senador ay laging kontra sa lahat ng mga magagandang adhikain ng ating pangulo sa ikabubuti ng Pilipinas at mga mamamayan.
Magmula kay Senador Drilon, Pangilinan, Trillanes, Aquino at Hontiveros - ang kanilang pinagkakaabalahan ay planuhin kung paano masira ang ating pangulo. Kapag may mga rally, nandoon sila kasama ang mga bayarang raliyista, mga Madre, Pari at iba pang opisyal ng Simbahang Katoliko, mga NPA at CPP, sila ay bumabalandra sa kalsada.
Ang kanilang pinapakitang trabaho bilang mga mambabatas ay taliwas sa kanilang mga sinumpaang tungkulin: Ang magbalangkas dapat ng mga batas na pakikinabangan ng bawa't Filipino. Bagkus nagkaka-isa sila sa damadamin kung papaano malulusutan ang anumang isyung kanilang kinasasangkutan at makakasira sa kanilang pagkatao.
Mas pinapahalagahan nila at pinoprotektahan ang karapatan ng mga kriminal kaysa ang mga naging biktima ng mga masasamang gawain ng nasabing mga kriminal. Pinalalabas nila na sila ay mga tunay na Human Rights Advocators kuno - pero paano naman ang mga buhay na nalagas nitong mga kriminal at ang mga naiwang pamilya nila?
Sila ay ating iniluklok sa Senado sa pag-asa na sila ay magiging tapat sa tungkulin at katuwang ng nahalal nating pangulo - para wakasan ang problema sa droga, korapsyon at kriminalidad na nangyari at nangyayari pa sa ating paligid. Tulad na lamang sa nabunyag sa Senado ni Atty. Glenn Chong tungkol sa alleged sabwatan ng Smartmatic at Comelec sa nakaraang 2016 National election.
Pero ano ang ginawa ng limang Senador nato - pilit nilang pinapatay ang isyu (which is a very serious issue sa Pilipinas ngayon), gamit ang mga bayarang Mainstream Media at mga bayarang Journalists sinisikap nilang burahin sa isip ng mga Pinoy ang malaking corruption sa Comelec: ang sabwatan ng Smartmatic at Comelec. Ginamit nila ang video clip ni ASEC Mocha Uson - ang PepeDede-Pederalismo para hindi mapansin ng sambayanang Pilipino ang corruption sa Comelec.
Naaalala ko ang sinabi minsan ng Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa harap ng libo-libong tao na "mag-ingay para makarating sa kanya ang problema". Ang pagbubunyag ni Atty. Glenn Chong sa Senado tungkol sa alleged sabwatan ng Smartmatic at Comelec ay problema tungkol sa malaking corruption na nangyayari mismo sa loob ng ahensya magmula pa sa 2010, 2013 and 2016 election. Let us support Atty. Glenn Chong - dahil ang laban niya ay laban din natin!
Sources of idea and other info:
No comments:
Post a Comment