loading...

Tuesday, August 28, 2018

Mga Anak-pawis Simbolo ng Lakas, Tapang at Katapatan

Mula sa Pagiging Anak-pawis, Kami ay Nangarap at Nagsikap. Hinanap ang aming Kapalaran sa Ibayong-dagat. Sa ngayon, ang Iba sa Amin ay Nag-uwian na at Ang Iba naman ay Nanatili sa Bansang Kanilang Kinalulugdan Hanggang Ngayon.

Gaano ba katotoo na tayong mga maralita
Ay nabubuhay daw sa ilalim ng kawalang pag-asa?
Ito daw ay tunay na larawan sa naghihirap na mamamayan.

Bagama’t tayo’y pinagkaitan ng magandang kapalaran - nguni’t 
Naniniwala ako ‘di ito nangangahulugan na tayo’y wala ng puwang
Mabuhay sa mundo at makapamili sa buhay na ating lalakarin.

Totoo, ang pagiging anak-pawis ay sadyang napakahirap
at lagi nating ipinangangalandakan 
na tayo’y alipin ng mga mayayaman.

'Di kaya panahon na na baguhin natin ang ating mga pananaw? 
Sa lahat ba ng panahon tayo’y aasa na lang ba sa mga maharlika? 
Sa mga politikong mandarambong at mandaraya? 

Lagi na lang ba natin iaasa ang buhay at kinabukasan
Sa mga taong nasa nanunungkulan? 
‘Wag kalimutan na tayong mga anak-pawis 
ay simbolo ng lakas, tapang at katapatan! 

Naaalala ko ang hirap ng nakaraan, I cried looking at my feet and hands wounded; too painful I couldn’t bear. Sa edad na 16, sa isang construction site sa bayan namin habang pinapala ko ang sang katirbang na hinalong semento graba at buhangin na nakalubog ang mga paa ko sa semento para lamang may pantustos sa pag-aaral sa high school sa susunod na pasukan. 

Sometimes I asked God, why it happened to me? Pero I realized na di dapat panghinaan ng loob, ginusto ko po ito at dahil din sa kawalan. I was firmed with my decision na ako na ang magpapatakbo sa buhay ko. Pero deep in my heart buhay na buhay ang pagmamahal at respito ko po sa aking mga magulang, naunawaan ko ang kalagayan namin.

At sa edad na 16 ako na ang nagpapatakbo sa buhay ko 
Kung sinu-sinong tao ang kasama ko 
Pero hindi ako nawalan ng pag-asa 
na mabuhay at tumindig sa sarili kong paa 
Hindi ako umasa sa sinumang politiko, politika at gobyerno…

Can't wait to read more? Or maybe feeling even just a little entertained? If so I hope you please consider clicking the share and like buttons below. Thanks much!

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!